Elmo Magalona on effect of AlDub to other loveteams: "Pinataas nila yung standards."

Elmo Magalona on plans for next year: "Hopefully, I can become an inspiration to others. That’s one of my goals rin na maging super inspiration sa others, leading them towards a positive lifestyle."


Imbes na ma-threaten, natutuwa raw si Elmo Magalona sa epekto ng AlDub sa ibang loveteamw.

Ang AlDub ang sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, na napapanood sa noontime show na Eat Bulaga.

Nagbigay ng kanyang pahayag si Elmo tungkol dito matapos ang Cosmo Carnival show noong Sabado, September 5, sa SM MOA Concert Grounds.

Sabi ng Kapuso actor-rapper, “I don’t know... kung maaapektuhan man ang ibang loveteams, mas pinataas na yung standards nito, because super-sipag sila.

“Ako, nakikita ko sila on TV at na-appreciate ko yung ginagawa nila.

“Mabuti ang ginagawa ng AlDub.”



LOVETEAM WITH JANINE. Ano naman ang ginagawa nila ng kanyang reel and real-life girlfriend na si Janine Gutierrez para mapanatiling interesting ang tambalan nila?

Tugon ni Elmo, “We just want to keep it an in-between serious and in- between fun relationship.

“Yung mga fans namin, super supportive sila all the time.”

Wala pang balita kung paghihiwalayin na sina Elmo at Janine bilang loveteam.

Pero ayon sa aktor, open siyang makipagtrabaho sa iba kung ito ang magiging desisyon o plano ng GMA Network para sa career niya.



PERFECTIONIST. Samantala, inamin ni Elmo na kabado siya sa una niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Pero habang tumatagal ang pagrampa niya sa stage, nag-enjoy raw siya sa pagtanggap sa kanya ng audience.

Pero naisip ng Kapuso actor na mas higit pa sana ang naibigay niya sa show.

“Lagi namang ganun.

"Ako naman kasi, perfectionist na tao. Gusto ko laging perfect ang ginagawa ko.

“Sometimes, I just wanna let loose.

"Kanina, I let loose and tried to see how the crowd reacted to me.

“Nakita ko naman na super positive yung reaction nila.

"So, I was really having fun."

Bagamat maganda ang ipinakitang sexy dance ni Elmo, nabitin daw ang mga manonood dahil sa huling sandali na lang tinanggal ng aktor ang sando niya bago lumisan ng stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Start pa lang naman. Maybe in the future, makikita nila akong mas ano pa,” komento ni Elmo.

Ibinalita rin ni Elmo na nasa venue si Janine at pinanood siya. Pero hindi pa raw niya ito nakakausap dahil nauna na ito sa labas.

“Sinurprise niya ako. Akala ko, wala siyang time today.

"Buti na lang she was able to come here and watch me lang.

"Hindi ko ini-expect yung pagdating niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN