Wency Cornejo calls out Jovit Baldivino's 'lack of respect and class'

"Hanggang" singer Wency Cornejo (right) relates an incident where he and Pilipinas Got Talent winner Jovit Baldivino (left) both performed in General Santos City. Apparently, Jovit performed the song "Pusong Bato" despite the presence of the song's composer and original singer, Renee "Alon" dela Rosa.


Inihayag ng veteran singer-composer na si Wency Cornejo ang kanyang pagkadismaya sa kapwa singer na si Jovit Baldivino kaugnay ng insidenteng nangyari nang pareho silang nag-perform sa isang show sa General Santos City.

Si Wency ay ang bokalista ng bandang After Image na nagpasikat ng mga kantang "Habang May Buhay," "Next In Line," at "Mangarap Ka."

Bilang solo performer naman ay kilala si Wency, anak ng Kapuso broadcaster na si Mel Tiangco, sa kanyang awiting "Hanggang."

Si Jovit naman ang grand champion ng unang season ng ABS-CBN singing reality search na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Ayon sa Facebook post ni Wency, "Nag show ako kagabi sa Labangal, Gensan.

"Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldovino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko.

"Hindi man ganun kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang awitin nya.

"Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin.

"It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class."

Ang tinutukoy ni Wency rito ay ang kantang "Pusong Bato" na isinulat at unang kinanta ni Renee "Alon" dela Rosa, na nagkataong naroon din sa nasabing show.

Pagkatapos i-post ni Wency ang mensaheng ito ay dumagsa ang mga komento sa kanyang Facebook wall; may mga sumang-ayon at mayroon ding bumatikos sa kanya.

Pahayag ni Wency sa mga nagbigay ng komento: "Sa lahat ng mga nagre-reply sa post ko, sana naman huwag tayong manlait ng kapwa. Kung nagkamali man pwede naman tayo magpatawad. If you resort to name calling and bashing, it only goes to show that you are also lacking in respect, humility and class."

Dagdag pa niya sa kanyang pinakahuling post: "It's funny how some people seem to find a way to defend that which is indefensible with nonsense."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, wala pang sagot si Jovit o ang kampo nito kaugnay ng hinaing ni Wency.

Ngunit sa isang Instagram post niya (@jovitbaldivino), sinabi nitong handa na siyang mag-perform para sa mga taga-Labangal, General Santos City.

Dito ay may nagkomento at ipinarating ang mga pahayag ni Wency laban sa kanya.

Hindi pa rin niya ito sinasagot hanggang ngayon.

Waiting :) Im ready to Rock Labangal General Santos City, See you there

A photo posted by jovitbaldivino (@jovitbaldivino) onSep 7, 2015 at 5:04am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN