Fabio Ide on girlfriend Bianca Manalo: "She’s everything that I’ve been looking for in a girl."

Fabio Ide on how his relationship with Bianca Manalo blossomed: "We went to Bali for bakasyon. Madami kami, fifteen… seventeen people. Yung Bali was the first time something happened. And then, pagdating dito, we started to call each other, to go on secret dates."


Malaki ang pasasalamat ni Fabio Ide sa GMA Network dahil siya ang napiling maging ‘leading man’ ni Ken Chan sa Destiny Rose, ang “first transerye” ng Kapuso network na magsisimula sa Lunes, September 14.

Ayon kay Fabio, sorpresa ang pagdating ng offer ng GMA-7 kaya tuwang-tuwa siya dahil sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya.

Dahil sa mga magaganda ng pangyayari sa kanyang personal na buhay at career, buo na ang desisyon ni Fabio na manirahan nang permanente rito sa Pilipinas.

Saad ng Brazilian-Japanese model-actor, “Ano ang gagawin ko sa Brazil?

“I left Brazil twelve years ago, tapos may anak ako dito.”

Ang tinutukoy ni Fabio ay ang anak nila ng dating karelasyon na si Denisse Oca, anak ng aktres na si Melissa Mendez.

Pagpapatuloy niya, “Life is good.

“My daughter is beautiful, my business are doing well.

“I’m very blessed talaga.

“I find myself now in a very happy situation where businesswise, all the business are doing good.

“Careerwise, I was given the biggest break of my life as an actor, and to be a part of a show like Destiny Rose.”

Kumusta naman ang pakikitungo ni Fabio sa ina ng kanyang anak na si Denise at ang pagiging ama niya?

Saad niya, “She’s very nice to me.

“She knows me naman, e, I’m a good person, I’m a good father.

“I help my daughter financially, I support her everything.

“Now, she has my own name, my last name.”



BIANCA MANALO. Masaya rin ang lovelife ngayon ni Fabio dahil sa relasyon nila ng kanyang girlfriend—ang beauty queen turned actress na si Bianca Manalo.

Kuwento ni Fabio, “We started as friends two years ago.

“Tapos we went to Dubai, pero nothing happened there.

“Pero that was the first time… she talked to me about her last relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I told her my last relationship also… kung anong nangyari.

“Tapos we went to Bali for bakasyon. Madami kami, fifteen… seventeen people.

“Yung Bali was the first time something happened.

“And then, pagdating dito, we started to call each other, to go on secret dates.

“And then we went to Cebu together for my race.

“Pero at that time, nobody knew naman, because we really wanna take it slowly.

“We don’t want people to talk about it.”

Patuloy ni Fabio, “Kami lang, hindi showbiz.

“We just wanted to enjoy, have a good time.

“And then, before I leave for Europe, I realized na mahal ko siya.

“So, I told her to be my official girlfriend talaga and she said yes.

“So, we’ve been happy ever since… very happy.”

Sabi pa ni Fabio tungkol kay Bianca, “She’s everything that I’ve been looking for a girl and I’m very grateful.

“She’s maganda, mabait, independent, matalino, and most importantly, she loves my daughter.”

“Sana” ang sagot ni Fabio nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung si Bianca na ba ang huling babae sa kanyang buhay.

Natawa siya sa paalala na si Bianca ang pangalawa sa mga Bb. Pilipinas-Universe titleholders na nakarelasyon niya.

Ex-girlfriend ni Fabio si Bb.Pilipinas-Universe 2006 Lia Andrea Ramos; at tumagal ng apat na taon ang kanilang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN