Julia Barretto speaks up about alleged snubbing incident in London

“Not everything you see in pictures or videos are what really happens in real life. Many things happen also behind the camera,” Julia Barretto tells her fans about the issue that she allegedly snubbed fans in London.


Usap-usapan ngayon sa Internet ang pang-iisnab diumano ni Julia Barretto sa ilang fans sa London, kung saan nagkaroon ng show ang ASAP kamakailan.

Nabigyan ng ibang kulay ng ilan ang Instagram post ng isang fan, na nagngangalang Carolina Cortes, kung saan makikitang lumabas sa isang building si Julia Barretto.

Kapansin-pansin kasi ang hindi paglingon ni Julia sa fans na tumatawag sa kanyang pangalan.

Inakala tuloy ng ilang nag-repost nito, kabilang na ang radio host na si DJ Mo Twister, na nang-isnab ng fans ang young actress.

Subalit sa sumunod na post ni Carolina, agad niyang nilinaw na: “Im not ur hater julia.❤️"

Sinabi rin niya sa isang comment na ngumiti rin sa kanila ang Kapamilya actress.

Sa Instagram post naman ni Julia kahapon, September 8, isang follower ang nagsabi sa kanya ng ganito: “Julia alang alang sa fans mo paki ayos ng attitude mo. may evidence na video.”

Sinagot naman ito ni Julia, at bahagi nito sinabi niya, “Not everything you see in pictures or videos are what really happens in real life. Many things happen also behind the camera.”

Samantala, narito naman ang ilang kuha ng iba pang fans kung saan makikitang binati sila ni Julia:

#Asap20inlondon #JuliaBarretto @Regrann from @lilyskies

A video posted by Official JBeauties (@officialjbeauties) onSep 8, 2015 at 8:38pm PDT

#Asap20inlondon #JuliaBarretto @Regrann from @lilyskies

A video posted by Official JBeauties (@officialjbeauties) onSep 8, 2015 at 8:43pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN