Fabio Ide on girlfriend Bianca Manalo: “She knows na for her to have me, she needs to love my daughter.”

Ayon kay Fabio Ide, mahal ng kanyang girlfriend na si Bianca Manalo ang anak niya kay Denisse Oca. “And she’s not forcing herself, she’s naturally a genuine woman, who loves kids,” paglalarawan pa ni Fabio kay Bianca.


Sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz, sinisikap ng Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide na maging mabuting ama sa kanyang anak na si Danielle Mikayla.

Si Daniella ay anak ni Fabio kay Denisse Oca, na anak naman ng beteranang aktres na si Melissa Mendez.

Sinabi noon ni Fabio na nagkaroon siya ng “casual encounter” kay Denisse at nabuntis niya ito.

Sa kasalukuyan, masaya si Fabio sa piling ng kanyang girlfriend na si Bianca Manalo.

Dalawang buwan na ang kanilang relasyon.

Tanggap din daw ni Bianca ang pagkakaroon ng anak ni Fabio sa ibang babae.

Pahayag ng model-actor, “She loves kids. Meron siyang four pamangkins, she loves kids.

"So, when she sees my daughter, since she’s my daughter, she knows na for her to have me, she needs to love my daughter.

“And she’s not forcing herself, she’s naturally a genuine woman who loves kids.

"Plus it's easier for her to love my daughter."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Fabio sa presscon ng Destiny Rose, na pinagbibidahan ni Ken Chan bilang isang transsexual woman.

Ginanap ang presscon nitong Martes ng gabi, September 8, sa GMA Network Center.

Hindi rin daw nagkukulang sa suportang pinansiyal si Fabio sa anak nila ni Denisse.

“Yes, financial support, monthly.

"I myself put my name on her, we got a lawyer to change my daughter’s name.

"My daughter’s name now is Danielle Mikayla Ide.

“I gave lahat, to her educational plan....

"Supportive ako sa lahat, walang drama para maganda ang buhay."



BALANCING ACT. Sa Destiny Rose, si Fabio ang gaganap na leading man ni Ken.

Ito rin ang pinakamalaking showbiz break ni Fabio so far.

Aniya, “Dito sa show, tatlong beses yung taping namin; Mondays, Wednesday, Fridays.

“Tapos I have my other shows for Viva that is supposed to be Thursdays, and then now I will guest for another show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If it pushes through, I’ll be hosting another show, so busy talaga ang schedule.

“Pero you have to strike while the iron is hot, di ba?

"Sometimes three shows, sometimes two shows, sometimes walang show for so long.

"So, masipag ako.

"So if an opportunity is given to me, I just wanna go there and grab it and try to give my best."

Pero sa kabila raw ng dami ng trabaho niya ngayon, sinisikap ni Fabio na magkaroon ng oras para sa kanyang anak.

“Pero kahit ten shows, I talk to myself, the moment my daughter was born, despite the busy schedule, at least one day of the week, I have to go and see my daughter and spend time with her.”

Maging si Denisse umano ay pinaaalalahanan siyang magkaroon ng maraming oras kasama ang kanilang anak.

“I wish I have more time, but if you come and think about it, it’s not really easy.

"You have your career, you have the business... even despite the lovelife, because that’s the easiest part."

Mahirap din daw ang distansiya dahil nakatira sina Denisse sa Fairview, Quezon City, samantalang sa Makati namamalagi si Fabio.

“So it’s really hard, but me, as I father, I have to find time to see her and spend time with her.

"I’m doing this not just now, but from the moment that she was born.

“When my daughter was born and I didn’t have a show yet, I get to see her like three times, four times.

"Pero ngayon, this is the moment that I have to give my best.

"I have to make the most out of it because this is my biggest break.

“So I told Denisse, ‘Please also be patient with me. Kasi even though I try to be the best father, I can I also have the other side of me na I have to be successful.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What’s the point of being a good dad kung wala akong pera, wala akong trabaho, ano’ng gagawin ko?”


BIANCA AND DENISSE ON GOOD TERMS. Dagdag ni Fabio, maganda ang relasyon niya kay Denisse.

“We’re still good friends.

"We do work as a team to give the best to Danielle, yung communication namin super-maganda.

“Denisse is super supportive, in fairness to her.

"She’s a good mom, very supportive to Danielle, very supportive to me as a friend.

"Walang bad vibes, e."

Sinabi rin niyang magkaibigan sina Denisse at Bianca.

“So, walang drama… so it’s easier."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN