Sam Concepcion on Jasmine Curtis-Brian Llamanzares meet-up: “I don’t want to comment... it’s not my story.”

What's the probability of Sam Concepcion and Jasmine Curtis-Smith getting back together? He answers, “We’re still experiencing, we’re still learning. And that applies to my life and to her, iyong hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Because we’re still in the process of growing and learning.”


Ayaw magkomento si Sam Concepcion sa balitang nanliligaw ngayon sa dati niyang girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Sabi lang niya, “I heard about it, but I know nothing about it.

“I also don’t want to comment on it, I have no place there, it’s not my story.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa presscon ng stage play na No Filter 2.0 na ginanap noong Setyembre 8 sa Privato Hotel sa Shaw Blvd., Pasig City.

Sa ilalim ng produksiyon ng The Sandbox Collective at sa direksiyon ni Toff de Venecia, ang play na ito ang rerun ng naunang No Filter na ipinalabas noong Hulyo at Agosto.

Isa si Sam sa mga bagong cast members ng play, kasama sina Paolo Valenciano at Carla Humphries.

Masaya lang si Sam na magkasama sila ngayon ni Jasmine sa No Filter 2.0 bilang ka-alternate ng Kapatid actress.

Lubos nga ang pasasalamat ni Sam kay Jasmine nang makumpirma niyang ang dating kasintahan ang isa sa pumili sa kanya para maging ka-alternate nito.

Sabi ng singer-actor, “Iyon nga e, I really appreciate that, hindi ko alam yung fact na iyon, I wasn’t sure about that.

"Pero ngayon ko lang na-confirm talaga coming from her, from her mouth specifically.

“I’m really glad that she suggested and chose me to be her alternate.

“It’s very flattering because I respect her as an artist.”

Bukod kay Jasmine, kabilang din sa original cast na nagbabalik sa rerun sina Lauren Young, Saab Magalona-Bacarro, Mikael Daez, Micah Muñoz, Cai Cortez, Sarah Facuri, at Khalil Kaimo.

Mapapanood ang No Filter 2.0 sa Oktubre 3 hanggang Oktubre 25 sa Power Mac Black Box Theater sa Circuit Makati.

HOT SEAT. Ano ang pakiramdam ni Sam na nalagay sila ni Jasmine sa hot seat nang usisain ng press ang tungkol sa pakikipagtrabaho sa kanyang ex-girlfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Well, hindi naman namin masasabi na hindi namin ini-expect iyon, we knew that it would come.”

Wala naman daw awkwardess sa kanila.

“I think because we have mutual respect for each other, e.

“We treat each other with that kind of respect professionally and even outside of work.”

Ano naman ang masasabi niya na marami pa rin ang nagtatanong at tila umaasang baka posibleng magkabalikan pa sila ni Jasmine?

Ayon kay Sam, “Well, katulad ng No Filter, because we speak here about how this generation, the millennials [tawag sa mga kabataan ngayon].

"It’s still a work in progress, e, di ba? Hindi pa kami tapos, kaya yung play there’s nothing specific.

“We don’t say na, ‘Eto kami,’ I mean we’re still growing, the millennials are growing.

“We’re still experiencing, we’re still learning.

“And that applies to my life and to her, iyong hindi mo alam kung ano ang mangyayari.

“Because we’re still in the process of growing and learning.”

Ayon kay Jasmine, never naman nagkaroon ng wall sa pagitan nila ni Sam, agree?

“Oo, wala naman kasing nangyari sa amin that will cause us anger or negative feelings towards each other,” pagsang-ayon ni Sam


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN