Derrick Monasterio shocked by gropers at Cosmo Bachelor Bash

Derrick Monasterio on being confident about flaunting his body: “Kasi, hindi naman ibig sabihin na kapag naghubad, hinahawakan ka. Hindi naman masasabing malaswa. Dapat makita yung totoong artist, yung totoong art sa ginagawa mo. So, ayun, hindi siya malaswa for me. Kung may ipapakita ka naman, why not? Kung wala, itago mo na lang.”


Isa rin si Derrick Monasterio sa celebrity hunks na nahipuan sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash noong Sabado, September 5, sa SM MOA Concert Grounds.

Maliban sa kanya, nahipuan din sina Alex Castro at Alex Medina.

Read: Alex Medina, Alex Castro shrug off 'groping incident' at Cosmo Bachelor Bash

Matapos ang pagrampa niya sa event noong Sabado, inilahad ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang naramdaman sa insidenteng panghihipo sa kanya.

Saad niya, “Shocked rin po ako, kasi nung nahipuan ako, hindi ako nag-react.

“Nahipuan po ako sa crotch area talaga, so ang naging reaksiyon ko, ‘Okay, move on.’

“Hindi ko nakita ko kung sino.”

Napangiti at napailing na lang si Derrick sa nangyari sa kanya.

Sabi niya, “Medyo ini-expect ko naman po.

“Kasi nung medyo lumuhod ako, prepared ako sa kung anong worst scenario na mangyayari.”

Biro pa ni Derrick, “So, sa mga hindi nakahipo, sorry na lang kayo.”

Bakit tila balewala lang sa kanya ang ganoong experience?

Sabi ng 20-year-old Kapuso actor, “Kasi, hindi naman ibig sabihin na kapag naghubad, hinahawakan ka. Hindi naman masasabing malaswa.

“Dapat makita yung totoong artist, yung totoong art sa ginagawa mo.

“So, ayun, hindi siya malaswa for me.

“Kung may ipapakita ka naman, why not? Kung wala, itago mo na lang.”

COSMO NEWBIE. First time daw ni Derrick na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash, pero sa naging performance nito ay parang isa na siyang beterano.

Aniya, “Grabe naman, ano lang... nakinig lang ako sa mga advisers ko.

“Kasi hindi ko rin alam ang gagawin ko noong una, e.

“Tsaka nagpadala lang ako sa music.”

Pinaghandaan daw talaga ni Derrick ang pagrampa niya sa Cosmo show.

“Hindi ako nagra-rice, todo-workout, patayan talaga.

“Dati kasi nagdyi-gym lang ako for my personal… para when I go to the beach, I look good.

“Hindi ko ini-expect na may offer sa akin ang Cosmo for a centerfold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-inspire sa akin yung support ng tao.

“Nakikita ko na yung mga tumitili sa akin at yung mga nag-aano [nagku-comment] sa Instagram ko ay yung mga adult na.

“Siyempre, hindi naman nila gugustuhin yung pangiti-ngiti lang.”

Ready na rin ba si Derrick na gumawa ng daring scenes?

“A, siguro, oo naman.”

Butt exposure, frontal nudity?

Sabi niya, “Siguro sa love scenes na tatanggalin mo yung pants mo, tapos makikita yung boxers mo na super fit.”

Hunk na ba ang image niya sa GMA Network?

“Well, ang gusto ko na peg nila sa akin ay teen hunk.

“Nandun pa rin yung cuteness na puwedeng i-partner sa mga mas bata sa akin.

“Pero nandun pa rin yung sexiness na puwedeng pagnasaan ng mga tao.

“Oo, ready na ako.”

CRUSHES FROM SHOWBIZ. Malaya raw nagagawa ni Derrick ang pagpapa-sexy dahil wala siyang lovelife ngayon.

Kabilang sa mga crush niya sa showbiz ay ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

“Nakita ko kasi yung picture niya na umahon sa pool, reaction ko, ‘Sh*t!’”

Si Solenn Heussaff na co-talent niya sa GMA Network ay crush din ni Derrick.

Rason niya, “Gusto ko kasi yung mas matanda sa akin, malakas ang dating sa akin nung mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN