Ken Chan on his sexuality: "I am secure."

Ken Chan on his role as a transsexual woman in Destiny Rose: “Bilang isang aktor, alam ko kung kailan dapat kumapit sa isang karakter at alam ko kung paano bumitaw.”


Hindi nangangamba si Ken Chan kung ma-typecast siya o kaya'y pagdudahan ang kanyang kasarian dahil sa pagganap niya bilang isang transsexual woman sa upcoming GMA afternoon teleserye, ang Destiny Rose, na magsisimula ngayong September 14.

Sabi ng Kapuso actor, “As long as alam ko sa sarili ko kung sino ako.

"As long as alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ako bilang isang aktor.

"Wala akong kailangang ikakaba o ikatakot na after ng teleserye ma-imbibe ko yung pagiging Destiny Rose.

"Alam ko kung sino ako... bilang isang aktor, alam ko kung kailan dapat kumapit sa isang karakter at kung paano bumitaw.”

Hindi rin daw siya nababahala sa mga pasaring sa kanya ng bashers sa social media.

“Ako naman, basta alam ko sa sarili ko kung ano ako, alam ko kung ano ang kasarian ko.

"Alam ng pamilya ko ‘yan, alam ni Lord, lalo na ang sarili ko, I’ll do everything for Destiny Rose, dun sa character niya.

“I am secure,” sabi ni Ken.

Aniya, hindi raw kailangan patulan pa o sagutin ang bashers sa social media.

“Hindi naman kailangan... actually, kung makuwestiyon nga ang kasarian ko because of Destiny Rose, matutuwa pa ako, e.

"Ibig sabihin, effective 'yon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa press conference ng Destiny Rose, nitong Martes, September 8.



EMBRACING ‘DESTINY.’ Ibinahagi rin ni Ken kung anong payo ang ibinigay sa kanya para magampanan nang maayos ang role niya bilang transsexual sa Destiny Rose.

Aniya, “Ang pinakaimportante na lagi kong tinatandaan, 'You have to think that you are a girl, you have to think that you are a woman.'

"Pag inisip mo at in-internalize mo na babae ka, lalabas ‘yan sa lahat.

"Gestures, yung maliliit na detalye, yung mga mata mo, parang yun ang pinaka-core na advice.”

Physically demanding din daw ang kinailangan niyang gawin para sa nasabing role, gaya ng pagdadamit-babae o ang pagsusuot ng heels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Physically, sobra siyang mahirap.

"Alam mo yung nagda-diet ako nang sobra-sobra, pati pag-iisip ko naaapektuhan.

"Pinag-diet nila ako na kumonsulta ako sa doktor dahil hindi biro yung pagda-diet nang biglaan.

“Malakas ang loob ko at naniniwala ako and I’m hoping na mabigyan ko ng justice si Destiny Rose.

"Yun ang goal ko, na maipakita ko sa televiewers na kaya kong gawin ang pagiging isang transwoman.

“At hanggang ngayon, nandun pa rin ako sa process na 'yon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN