Benjamin Alves to disappointed fans of Cosmo Carnival: “May next year pa naman... next year na lang uli.”

Masaya si Benjamin Alves na naging matagumpay ang katatapos lamang na Cosmo Bachelor Bash, pero hindi raw siya aware na may mangilan-ngilang hindi nasiyahan sa kanilang palabas.


“May next year pa naman, e, next year na lang uli.”

Ito ang nakangiting tugon ni Benjamin Alves sa tanong namin tungkol sa ilang na-disappoint na taong dumalo sa Cosmo Bachelor Bash noong Sabado, August 5, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Nakapantalon lang daw kasi ngayon ang bachelor centerfolds.

Hindi raw katulad nung mga nakaraang rampahan ng mga lalaking modelo at artista na naggagandahan ang tindig at pangangatawan na sexy boxers o kaya ay briefs ang suot.

Hindi kabilang si Benjamin sa centerfolds ngayong taon, pero sumama pa rin siya sa show bilang suporta.

Aniya, “Ewan ko, hindi ko kasi napanood yung buong show, e, lahat ba [nakapantalon]?

“Di ko lang sure. Ang dami namang tumili.

"Na-disappoint? A, may next year pa naman, e, next year na lang uli.

“So, memo na lang sa mga nag-costume. May next year pa naman.”

Ano naman ang pakiramdam niyang tinilian siya ulit sa Cosmo Bachelor Bash?

Sabi ng Kapuso actor, “Tinilian? Actually, lahat naman kami.

“It was good na huminto yung ulan at natuloy din siya. Kasi medyo malakas yung ulan, e.

"It's nice na iba yung tema this year.

"It’s a different theme, different venue, so different experience for everyone.

“I was there to represent as one of the former centerfolds and to show support sa mga centerfolds… the bachelors.”

Hindi pa raw sigurado ng Beautiful Strangers star kung rarampa pa siya sa susunod na taon.

“Malay mo, wala ako dito that time.

"But it's always fun. I always consider it."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa premiere ng pelikulang Heneral Luna noong Linggo ng gabi, September 6, sa SM Cinemas 8 and 9.

YOUNG MANUEL L. QUEZON. Sa epic movie na Heneral Luna, si Benjamin ang gumanap sa role ni Manuel L. Quezon.

Sabi ng 25-year-old Kapuso star, “Well, for one, nag-cameo ako bilang Manuel L. Quezon, batang Manuel Quezon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And mga kaibigan ko na rin lahat ito, e, sina Direk Jerrold [Tarog], the producers, everybody here.

“Even if I wasn’t part of the film, manonood pa rin ako.”

Samantala, masaya naman si Benjamin sa magandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa Beautiful Strangers.

Kasama niya sa teleseryeng ito sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, at Lovi Poe.

“Mas gaganda pa siya,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN