Ken Chan admits to having a gay admirer: "Ano pa magagawa ko? Siyempre, ayaw ko naman pong mag-reject ng isang tao."

Ken Chan on having a gay admirer: “Ano pa magagawa ko? Siyempre, ayaw ko naman pong mag-reject ng isang tao. Basta ako po, nirerespeto ko po yun, pero hindi ko po gagawin yung gusto niyang gawin.”


Masaya si Ken Chan sa tinatamasang tagumpay ni Alden Richards, na dati niyang kasama sa Tween Hearts.

Hanggang ngayon daw ay magkaibigan pa sila ni Alden.

Sabi ni Ken, “Actually, matagal nang dumating ang panahon ni Alden.

"Talagang sobrang suwerte niya lang po ngayon.

"Sobrang nakakatuwa yung nangyari sa kanya."

Naniniwala raw siya sa suwerte.

At tulad ni Alden, dumating na rin ang panahon ni Ken para magbida sa afternoon series na Destiny Rose, kung saan siya gaganap bilang transsexual woman.

Hindi kaya kainggitan siya ng ibang kapanabayan niyang male stars sa GMA na hindi pa nagbibida hanggang ngayon?

“May mga trabaho rin naman po sila, nagbibida rin sila,” tugon ni Ken.

May pressure ba kay Ken na sa kanya nakasalalay ang magiging ratings ng Destiny Rose, na eere na simula sa September 14?

Sagot niya, “Actually, ang sabi po sa akin, huwag po akong ma-pressure.

"Sabi po ng mga production [people], hindi kasalanan ng artista kung hindi mag-rate ang isang show. Walang may kasalanan.

“Basta sabi po nila, ‘Huwag kang mape-pressure dahil hindi mo kasalanan ang kung anuman.’

“Pero sabi nila, sana magdilang-anghel sila na malakas ang kutob nila na ang Destiny Rose ay magiging okay sa masa.”

Tumaas na ba ang talent fee ni Ken dahil bida na siya sa Destiny Rose?

“Hindi ko po alam. Sana!

“Ang alam ko po, ganun pa rin pa po. Siguro sa susunod po.”



SENSUALITY WORKSHOP. Dahil may love scene si Ken at si Fabio Ide, na gaganap na boyfriend ni Destiny Rose, sumabak sa sensuality workshop ang dalawa bago nagsimula ang taping.

Lahad ni Ken, “Actually, nagawa ko na po yun last time sa isang workshop ko. Kaya po hindi na siya iba sa akin.

"So, nung ginawa namin 'yon ni Fabio, mas in-improve lang po namin yung sarili namin.

“Kasi sa simula, meron pa rin pong wall, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Being in love, yung dalawang lalaki, hindi madali.

"Pero ngayon, okay na po. Handa na kami."

Sino ang mas nahiya o nailang—siya o si Fabio?

“Pareho po!” natatawang sagot ni Ken.

Naniniwala si Ken na maaaring umibig ang isang lalaki sa kapwa-lalaki.

“Tsaka marami naman po kasing nangyayari na ganun. Na puwedeng ma-in love ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki.

“Marami po akong napapanood na ganun.”

Kahit walang involved na pera?

“Oo, kahit walang involved na money.”



GAY ADMIRERS. Inamin ni Ken na may nanligaw sa kanyang bading noong commercial model pa siya, at may nagpaparamdam pa rin sa kanya hanggang ngayong artista na siya.

“Honestly, meron po. Hindi po ako magsisinungaling, pero meron po.

“Pero pag alam ko pong may nanliligaw o nagkakagusto sa akin na bading, sobrang naa-appreciate ko.

“Hindi ko na lang din po pinapansin kasi hindi naman po dumidirekta sa akin. I mean, hindi ko rin po alam.

“Parang may nagsasabi po na, ‘O, may gusto sa iyo si ganito. May gusto sa iyo si ganyan.’

“Sasabihin ko na lang po, ‘A okay.’

“Ano pa magagawa ko? Siyempre, ayaw ko naman pong mag-reject ng isang tao.

"Basta ako po, nirerespeto ko po yun, pero hindi ko po gagawin yung gusto niyang gawin.”

Wala raw kasamang indecent proposal ang panliligaw sa kanya ng mga bading.

Itinanggi rin ni Ken na karelasyon niya ang isang mayaman at maimpluwensiyang bading na tagamalayong lalawigan.

Hindi rin daw siya binigyan ng bahay ng rich gay na iyon. Ni wala nga raw nag-offer sa kanya ng bahay,

“A, hindi po totoo yun. Hindi po totoo yun!

"Ewan ko po... narinig ko rin po yun."



DREAM MEN AND WOMEN. Kung si Ken ay naging babae, sino sa local female stars ang gusto niyang maging siya?


“Marian Rivera,” mabilis na sagot ni Ken. “Ang ganda, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung babae na siya at magkaka-boyfriend siya ng artistang lalaki, sino ang choice niya?

“Si Dingdong,” ang mabilis na sagot muli ni Ken, na ang tinutukoy ay ang mister ni Marian at idolo niyang si Dingdong Dantes.

“Para bagay.”

Bukod kina Marian at Dingdong?

“Si Tom [Rodriguez], si Megan Young! Partners,” pagtukoy ni Ken sa lead stars ng Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN