PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Nasangkot diumano ang 23-year-old Kapamilya star na si Enrique Gil sa isang gulo sa loob ng isang commercial flight papuntang London, England, kasama ang iba pang ABS-CBN artists noong September 4. Diumano, lasing si Enrique na sumakay ng eroplano at kinukulit sina Liza Soberano at Jessy Mendiola, na humantong sa batuhan nila ng mga salita ni Luis Manzano.


Kahapon ng Miyerkules, September 9, ay kumalat ang balitang nagkaroon diumano ng komosyon sa pagitan ng Kapamilya stars na sina Enrique Gil at Luis Manzano habang lulan ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

Base sa report na lumabas sa PEP Alerts, nagkapikunan daw sina Enrique at Luis na nauwi diumano sa suntukan.

Upang kumpirmahin ang report, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Luis sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook, kahapon din.

Ngunit hindi kami sinagot ni Luis, kahit na lumitaw na nabasa niya ang aming mensahe.

Maliban dito, may mga nakausap ding ilang sources ang PEP upang alamin kung ano ang katotohanan sa likod ng report na ito.

Napag-alaman naming naganap pala ang naturang insidente sa isang commercial flight noon pang September 4, Biyernes.

Taliwas ito sa unang balita na pabalik na ng Pilipinas ang grupo ng Kapamilya stars nang maganap ang insidente.

Ibig sabihin, papunta pa lamang ng London, England, ang grupo ng ABS-CBN stars na magtatanghal sa ASAP Live In London.

Tinawagan din ng PEP ang isang ABS-CBN insider ngunit wala pa itong maibigay na detalye.

Pero inamin niyang may umiikot na ganitong klaseng kuwento sa bakuran ng Kapamilya network.



THE INSTAGRAM POSTS. Bandang alas-tres ng hapon ng Miyerkules, nag-post sa kanyang Instagram account ang Showbiz Konek Na Konek host na si IC Mendoza ng dalawang magkasunod na blind items na may titulong: “Young actor, lasing at nagwala sa eroplano?”

Caption ng TV5 host sa unang post: “Da clue! Follow Showbiz konek na konek on viber public chats for DA CLUE!

Da clue! Follow Showbiz konek na konek on viber public chats for DA CLUE!

A photo posted by Isaiah Mendoza (@ic.mendoza) onSep 9, 2015 at 12:56am PDT

Ito naman ang sinabi ni IC sa caption sa pangalawang post: “Sino itong young actor na ito? Abangan bukas sa @showbizkoneknakonek 11am sa tv5 #skkontv5

Sino itong young actor na ito? Abangan bukas sa @showbizkoneknakonek 11am sa tv5 #skkontv5

A photo posted by Isaiah Mendoza (@ic.mendoza) onSep 9, 2015 at 12:57am PDT

Sa parehong posts, pinutakti ng bashers si IC, na karamihan ay LizQuen fans ng tambalang Enrique Gil at Liza Soberano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JESSY MENDIOLA. Binalikan muli ng PEP ang ABS-CBN insider bandang 9 P.M. ng Miyerkules.

Dito ay nagbigay na siya ng ilang detalye tungkol sa kumakalat na balita.

Pahayag ng ABS-CBN insider, “Hindi naman si Luis, e. Si Luis lang ang nag-awat.

“Hindi siya nasuntok. Nakainom daw si Enrique.

"Tapos ang kaaway, hindi si Luis...

"Ang nandun, sina Jessy, Luis, si Enrique.

“May nakapikunan si Enrique, nung nag-confrontation na, wala si Liza dun.”

Nangako ang aming source na mangangalap siya ng iba pang impormasyon at babalikan kami.

Samantala, tinawagan din ng writer na ito ang isang tao na may direktang alam sa mga balitang showbiz sa Kapamilya network.

Noong una ay sinabi niyang maghahanap siya ng makakausap tungkol sa report.

Kinagabihan, nag-text ito sa amin at sinabing “May mga pinu-post si Jessy Mendiola regarding the incident kay Enrique.”

Wala nang dagdag na detalye pa ang naturang showbiz scribe.



JESSY’S CRYPTIC INSTAGRAM POSTS. Sabado, September 5, unang araw ng grupo nina Jessy sa London, isang nakakaintrigang post ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.

Nakasaad dito ang tungkol sa pagiging “strong.”

Sabi niya sa photo-message: “You never know how strong you are. Until being strong is the only choice you have.”

👌

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) onSep 5, 2015 at 2:35pm PDT

Martes, September 8, nag-post naman si Jessy ng larawan nila ni Luis Manzano sa Instagram.

Sabi ng aktres sa caption: “Si hassle na walang ginawa kundi patawanin ako buong trip. Salamat sa mga advice mo at sa mga kwento mo. Ibang klase ka talaga chokie! Salamat sa protekta! 😂😂😂 hi @therealangellocsin sabi ko kay @luckymanzano girl crush talaga kita. 😍😍😍”

Kapansin-pansin naman ang paggamit ni Jessy ng salitang “protekta,” na posibleng may kinalaman sa lumabas na report tungkol kina Enrique at Luis habang nasa eroplano.

Kung susuriin sa kanyang Instagram posts, at base na rin sa IG posts ni Jessy at comments mula sa followers ng aktres, maaaring ang mga personalidad na tinutukoy ni IC ay ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

1. Kilalang young actor - Enrique Gil

2. Young actress - Jessy Mendiola

3. Kilalang TV host - Luis Manzano

4. Ka-loveteam na kasama rin sa flight - Liza Soberano.

Sa kasunod na IG post ni Jessy kahapon, September 9, nakasaad ang mga ganitong salita:

“Three things cannot be long hidden: the sun, the moon, and the truth.”

Sa caption, sinabi niyang: “The truth will always come out no matter how you lie about it.

“You know what you did, so don't try to squeeze yourself out by fabricating stories.

“Even trying to ruin other people's relationship with your twisted mind. Someone heard and saw what you did.

"What goes around comes back around brother."

ENRIQUE'S IG POSTS. Kahapon din, September 9, sunud-sunod ang posts ni Enrique sa Instagram tungkol naman sa Diyos.

Hindi niya ito nilagyan ng captions.

Narito ang magkakasunod na posts ni Enrique:

Sa isang mensaheng ipinadala ng kampo ni Enrique sa PEP kagabi, September 9, sinabi nilang wala naman daw ganung klaseng pangyayari.

Sabi pa sa mensahe: “Wala naman daw. Nagkulitan lang. You can ask Luis pa daw, it was nothing as we know when boys have a few drinks. That’s all po.”

Kapansin-pansin namang walang pinu-post na anumang litrato na kuha sa London ang magka-loveteam na sina Enrique at Liza.

Pero ilang minuto pagkatapos ilabas ang artikulong ito ay nag-post si Liza ng larawan nila ni Enrique na nagpa-funny face:

Quen trying to do the fishy face 😋 But he still looks like a monkey 😂

A photo posted by Hope Elizabeth (@lizasoberano) onSep 10, 2015 at 2:56am PDT


May post din si Enrique kahapon na magkasama sila ni Liza:

🙈

A photo posted by Enrique Gil (@enriquegil17) onSep 9, 2015 at 5:37am PDT


THE EYEWITNESS' ACCOUNT. Kaninang bandang alas-onse ng umaga, Huwebes, September 10, nakausap ng PEP ang isang source na nakasaksi raw ng pangyayari sa loob ng eroplano na kinasangkutan ng ilang Kapamilya stars.

Kuwento ng eyewitness, bandang ala-una ng hapon noong Biyernes, September 4, nag-board sa eroplano ang grupo nina Enrique, Liza, Luis, Paulo Avelino, Jake Cuenca, James Reid, at Nadine Lustre.

Sa business class daw naka-assign ang mga upuan ng mga nabanggit na Kapamilya stars; kasama sina Dra. Vicki Belo at ang nobyo nitong si Hayden Kho Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa eyewitness, pagsakay pa lang ni Enrique ay halata na raw na nakainom ang young actor.

Paglalarawan pa nito, “rowdy” na raw si Enrique.

Normal naman na para sa ilang pasahero sa business class na nakainom na bago pa man mag-board dahil libre ang alak sa lounge pa lang ng airport.

Natulog daw ang karamihan sa Kapamilya stars "on the first hours of their flight."

Mga bandang alas-otso ng gabi, ayon sa eyewitness, nagising daw si Paulo at humingi ng alak sa flight attendants (FAs) na nasa cabin.

Binigyan daw ang aktor ng Black Label.

Kasunod daw na nagising si Jake at humingi rin ito ng kahalintulad na inumin.

Pumunta raw ang dalawang aktor sa may malapit sa lavatory at doon nagkuwentuhan.

Maya-maya, dumating daw si Hayden at nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.

Nagising daw si Enrique kalaunan at humingi rin ng alak.

Pero hindi raw ito binigyan ng flight attendants dahil sa bilin na rin ng road manager/handler ng 23-year-old actor na huwag itong bigyan.

Pero napansin daw ng eyewitness na ang mga alak na ibinigay kina Jake at Paulo ay ipinapasa nila kay Enrique.

Pagkatapos ng ilang oras, pinakiusapan daw ng flight attendants ang mga nag-iinumang artista malapit sa lavatory na bumalik na sa kanilang mga upuan upang makapag-prepare na sila ng breakfast.

Kasunod nito ay kinukulit na raw ni Enrique si Liza, na katabi niya sa eroplano. Pero hindi raw pinapansin ng young actress ang ka-loveteam.

Tubig lang din daw ang hinihingi ni Liza sa flight attendants.

Hanggang sa pumunta ng bathroom ang 17-year-old actress.

Bago pumasok ng lavatory, sinabihan daw nina Jake at Paulo si Liza na pansinin na nito si Enrique.

Ngunit sa pagkakarinig ng eyewitness, sabi raw ni Liza: “You know what, guys, you will get me in trouble…”

Habang nasa banyo raw si Liza, napagbalingan naman daw ni Enrique ng pangungulit ang katapat nito sa upuang si Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katabi naman ni Jessy si Luis.

Kitang-kita raw ng eyewitness na parang hinahawakan at hinahaplos-haplos ni Enrique ang balikat ni Jessy.

Si Jessy raw ay nakangiti lang, pero hindi nakatingin kay Enrique.

Parang ang dating, dedma lang si Jessy sa pangungulit ni Enrique dahil nakainom na raw ang young actor.

Napansin din ng eyewitness na may mga ibinubulong pa raw si Enrique kay Jessy.

Dito na raw nagsimulang magkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga artistang sangkot.

Sinabihan daw ni Luis si Enrique na ang alak ay dapat sa tiyan nilalagay, hindi sa utak; dala na rin ng pagiging makulit na raw ni Enrique.

Pagkatapos nito ay nagsisigaw na raw si Enrique.

Sa puntong ito ay nakabalik na raw si Liza sa kanyang upuan galing sa banyo.

Narinig daw ng eyewitness na sinabihan ni Enrique si Liza ng ganitong mga salita, in exact words: “F*#k you, you b#^ch!”

Hindi lang daw ito sinabi ni Enrique kay Liza kundi pati kay Jessy.

Kasunod daw nito ay parang naghahamon na ng away ang aktor.

Inawat daw siya nina Paulo at Jake, pero hindi nila ito maawat.

Mabuti na lang daw at nandun si Hayden, na malaking bulas, kaya napigilan daw nito si Enrique.

Nakabasag pa raw ng baso si Enrique. Dito na rin daw nagkagulo at pumasok na sa eksena ang flight manager.

Kung pagbabasehan daw kasi ang rules ng biyahe ng eroplano, maituturing nang “unruly passenger” si Enrique na dapat, pagdating nila sa London, ay huhulihin na ito ng airport police.

Ito raw ang procedure kapag may unruly passenger.

Dito na rin daw dumating ang production assistants at road managers ng mga artista na galing sa economy class.

Nakiusap daw ang handler ni Enrique sa namumuno ng flight na huwag nang i-report ang insidente dahil sila-sila lang naman daw ang apektado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila pumayag naman daw ang piloto at hindi na ini-report ang insidente.

Noong lumapag na raw ang eroplano sa London, bandang alas-9 ng gabi, September 5, nagpuntahan daw lahat ang production assistants at road managers sa business class. Ipinasarado rin daw nito ang kurtina ng eroplano.

Dumating din daw sina Shaina Magdayao at Enchong Dee sa nasabing bahagi ng eroplano.

Nagpa-serve pa raw sila ng kape dahil hindi raw magising si Enrique dahil sa kalasingan.

Nang nagising na ang aktor, pinainom na raw ito ng kape at pinagbihis.

Nadiskubre rin daw na nawala ang telepono ni Liza, pero kalaunan ay nakita raw itong naipit sa silya kaya nagpatawag pa raw ng mekaniko.

Hindi pa raw rito natigil ang kakulitan at pag-iingay ni Enrique.

Habang nakapila raw sa Immigration, patuloy pa rin daw ito sa pangungulit at pag-iingay kaya tinakpan na lang daw ng kanyang handler ang bibig nito.

Baka raw kasi mapansin ng Immigration officer ng London airport ang inaasal nito at baka mapadampot sa pulis.

Sa buong kuwento ng ating eyewitness, hindi nito nabanggit na nasampal ni Liza si Enrique.

May nakapagsabi raw sa kanya, pero hindi raw niya ito personal na nakita.

Tungkol naman sa away nina Enrique at Luis, ayon sa eyewitness, nagkasagutan ang dalawa dahil nambabastos na raw si Enrique ng babae.

Wala naman daw suntukang nangyari.

At sa buong pangungulit daw ni Enrique kay Jessy, hindi raw nagri-react ang aktres.

Ang naturang source na ito ng PEP ang nakausap din ng Showbiz Konek Na Konek ng TV5, at umere ang bahagi ng kanilang panayam sa kanya kaninang umaga.

GETTING THE OTHER SIDE. Dalawang beses sinubukan ng PEP na kunan ng pahayag ang Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa showbiz career nina Enrique, Liza, at Jessy—pero wala pa silang sagot sa amin hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala na rin ang PEP ng mensahe sa isang kaibigan ni Jessy tungkol dito, pero hindi pa ito sumasagot hanggang ngayon.

Maging si Jessy ay hiningan na rin ng PEP ng statement, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pero hindi pa rin ito sumasagot.

Samantala, nakausap ng reporters si Jake sa presscon ng Pasion de Amor ngayong hapon, September 10, at dito ay hiningan siya ng komento tungkol sa pagkakasangkot niya diumano sa insidente.

Pero tanggi ng aktor, "Hindi po ako involved."

Tulog din daw siya buong flight kaya wala siya sa posisyong magsalita tungkol dito.

Ia-update namin ang kuwentong ito sakaling may bagong makalap na impormasyon ang PEP.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa insidente at sa mga nabanggit na pangalan sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN