Joko Diaz on his daughter with Angelu de Leon: “Okay kami, nag-uusap naman kami.”

Joko Diaz says he's not homophobic: "I've always been respectful sa [third sex], sa press. At kung paano nila ako rerespetuhin, ganun din ang respeto na ibinabalik ko sa kanila. So, I have no problem with that. Meron naman siyempre na wall 'yan. Hanggang dun na lang tayo sa pader na 'yan."


Masaya si Joko Diaz na maayos ang relasyon niya sa kanyang panganay na anak na si Maria Louise Nicole, 17, kahit hindi sila magkasama sa bahay at bibihira silang magkita.

Si Nicole ay anak ni Joko sa dati niyang girlfriend na si Angelu de Leon.

Dalawa naman ang anak ni Joko sa napangasawa niyang si Abigail—sina Ashley, 11, at Pio Francis, 4.

Ipinagmamalaki ni Joko na mayroon silang constant communication ni Nicole.

"Yung daughter ko kay Angelu? Okay kami, nag-uusap naman kami.

"I talk to her and constant naman kaming nag-uusap.

"I heard mag [de-debut] na ito, pero wala pa naman siyang bini-bring up ng topic tungkol dun.

"Kasi busy sa work, tapos medyo marami rin akong tinatrabaho sa Kapitolyo sa Batangas

"So, medyo wala akong oras.

"I heard nga na mag-e-eighteen siya this November, so..."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating action star sa presscon ng bagong GMA afternoon series na Destiny Rose, sa 17th floor ng GMA Network Center, noong September 8.



ANGELU AND JOKO’S WIFE. Ang maganda pa nito, ayon kay Joko, nagkakausap din maging si Angelu at ang misis niya.

"Yeah, yung wife ko at si Angelu, silang dalawa ang nag-uusap kapag tungkol sa anak ko ang concerned.

"Kung anuman ang kailangan, sila ang nag-uusap ng wife ko. Out na ako diyan.

"Ako at si Nicole, kami naman ang nag-uusap."

Dugtong ni Joko, "At saka yung mga anak ko ngayon, magkakakilala naman sila ng eldest ko.

"Hindi pa niya nakikita si Paki, yung bunso ko, pero magkakilala sila."

Nagpapasalamat sa Diyos si Joko sa Diyos dahil maganda ang takbo ng kanyang buhay at marami siyang biyayang tinatanggap ngayon.

Saad niya, "Alam niyo, sa lahat ng mga nangyayari na ito sa buhay ko, sabi ko nga, salamat sa Diyos na nangyayari ang lahat ng ito.

"Wala na akong mahihingi pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, kung gagawin ko ulit ang buhay ko, gusto ko ganito pa rin."

HOMOPHOBIC? Samantala, napag-usapan ang papel ni Joko sa Destiny Rose.

Isa siyang istriktong ama na gustong baguhin ang pagkatao ng anak na lalaki dahil babae ito sa puso't kilos.

Homophobic ba si Joko sa totoong buhay?

Pagtanggi ng 39-year-old actor, "Hindi, hindi...

"It's just the character, so yun ang pinu-portray natin.

"Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, wala naman akong bad experience sa mga... sa awa ng Diyos.

"I've always been respectful sa [third sex], sa press.

"At kung paano nila ako rerespetuhin, ganun din ang respeto na ibinabalik ko sa kanila.

"So, I have no problem with that.

"Meron naman siyempre na wall 'yan. Hanggang dun na lang tayo sa pader na 'yan.

"Pero, di ba, pag may nag-bully sa akin, siyempre, 'Teka, iba na yun.'

"But I have nothing against them, you won’t hear anything from me."

Ano ang naging reaksiyon niya sa mga nagti-take advantage sa kanyang mga beki noong kabataan niya?

Ani Joko, "I just pushed them off. Pero para saktan, no.

"Parang, 'Hey, wait. It's not like that. Hindi ganyan. Hindi tama 'yan. You're invading my space.'

"Pero para upakan o bugbugin? Hindi, huwag ganun. Masasaktan, e.

"Well, I hope they'll respect me, kasi nirerespeto ko sila."

Nakakabawas ba sa pagkalalaki kung may transsexual woman o gay na nagkakagusto sa kanya?

Tugon ni Joko, "Di naman, nakakadagdag pa nga.

"Yun nga lang, ang relationship ko with them would be as friends. You don't go over.

"Kahit yung friends kong gays, niyayakap ko ang mga 'yan. Binibiro ko.

"Sinasabi ko kung ano ang gusto kong sabihin.

"Pero after that, yun lang yun. Magkakaibigan lang kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN