JaDine’s #OTWLMostKiligNight trends on Twitter; reaches 1.74M tweets

Naging top trending topic sa Twitter ang episode ng On The Wings of Love nitong Miyerkules, September 9, kung saan muntik nang magkaroon ng kissing scene sina James Reid at Nadine Lustre.


Top trending topic ang episode ng ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love, na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine, nitong Miyerkules ng gabi, September 9.

Umabot ng 1.74 million tweets ang nasabing topic na may hashtag na #OTWLMostKiligNight, pagsapit ng 2 A.M. ng sumunod na araw.

Samantala, kabilang din sa mga nag-trend ng mga oras na iyon ang iba pang ABS-CBN shows gaya ng Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel na #PSYLaro na may 14.1K tweets; at ang Pinoy Big Brother 737 Edition na may hashtag na #PBB737MomAtHeart na may 10.7K tweets.

Bago pa man iere ang episode ng On The Wings of Love kagabi, nag-trend na sa Twitter ang #OTWLMostKiligNight.

Nagpasalamat pa si Nadine dahil sa pagti-trend ng kanilang episode kagabi.

#OTWOLMostKiligNight almost a milli! Thank you! ❤️ #MTVEMA #NominateNadineLustre

— Nadine Lustre (@hellobangsie) September 9, 2015

Maging sina Nadine at James ay sinabi sa isang panayam na ang naturang episode ang pinaka nakakakilig na eksena na kanilang ginawa sa teleserye.

“Even me, I get kilig with that scene,” pahayag ni James nitong Miyerkules sa interview ng TV Patrol tungkol sa nasabing eksena.

Dagdag naman ni James, “Yun na po kasi talaga and it’s really nakakakilig.”

Sa nasabing episode, nagkaroon ng palitan ng mga nakakakilig na dialogue sina Clark (James) at Leah (Nadine).

Dalawang beses ding muntika maghalikan ang dalawang bida at nagkaroon pa sila ng ilang sweet moments, kagaya ng paghu-holding hands sa Napa Valley, sa San Francisco, California.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN