Katrina Halili enjoys the company of gays: "Masaya silang kausap, kasama. Hindi ako nabu-bore."

Katrina Halili to gays thinking of sex reassignment surgery: "Pag-isipan muna niyang mabuti, di ba? Kasi mahirap din po yun. Hindi mo na puwedeng alisin, e. Once na ginawa mo yun, kailangang isipin mong mabuti kung ready ka ba. Kasi alangang ibalik mo pa, di ba?"


Masaya ang Kapuso actress na si Katrina Halili na marami siyang kaibigang gays.

Sabi niya, “Masaya silang kausap, kasama. Hindi ako nabo-bore.

“Sa taping, ang saya-saya ko, kasi minsan, namamalayan ko, madaling-araw na.

"Sabi ko, ‘Hala, ang sarap naman ng trabaho dito. Kuwentuhan lang tayo ng kuwentuhan!’

“Hindi ko namamalayan kasi tsikahan lang kami nang tsikahan. Puro bading dun sa set.

“Halos lahat ng nanay-nanayan ko, [bading], e. Tapos sa set, puro bading.”

Pero wala pa raw siyang kaibigang transsexual.

“Naglalagay lang ng lobo, as in lobo nilalagay dito!” sabay turo ni Katrina sa dibdib niya.

Ano ang maipapayo niya sa kaibigang bading kung hingan siya ng payo dahil gusto nitong sumailalim sa surgery para maging ganap na babae?

Sagot ni Katrina, “Siyempre kailangan sabihin mo sa kanya na pag-isipan muna niyang mabuti, di ba?

"Kasi mahirap din po yun. Hindi mo na puwedeng alisin, e.

"Once na ginawa mo yun, kailangang isipin mong mabuti kung ready ka ba.

“Kasi alangang ibalik mo pa, di ba?

"So iyon, pag-isipan niyang mabuti kung makakapagpasaya sa kanya.

"Bahala siya. Buhay niya yun, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa presscon ng upcoming GMA afternoon soap na Destiny Rose, na tungkol sa isang transsexual woman.



VILLAIN ROLE. Isang kontrabidang nagngangalang Jasmine Flores ang papel ni Katrina sa Destiny Rose.

And this time, isang transwoman ang aapihin niya, na gagampanan ni Ken Chan.

Masaya raw si Katrina na artistang lalaki naman ang aapihin niya.

“Ang happy nga e, ang happy ko!

Hirap daw si Katrina kapag artistang babae ang sinasaktan niya sa eksena.

"Fake, minsan fake. Ito, totohanan."

Inilarawan ni Katrina ang pakiramdam ng pagiging kontrabida sa isang lalaki for the first time.

“Ang sarap, e. Kasi this time, puwedeng manakit!

“Sinasaktan ko siya talaga, as in. Sinasabunutan ko, sinasapak ko, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya, tapos hindi siya gumaganti kasi mabait siya. Sobrang bait niya, yung character niya.

“Ang sarap, nag-enjoy ako, ang sarap mambugbog!” natatawang biro niya.

Pero kinakausap muna raw ni Katrina si Ken tungkol sa mga eksena nila.

"Sinasabi ko talaga sa kanya, ‘Tototohanin ko, ha?’"

Ang sagot daw ni Ken ay, “Oo, please, please para magawa ko din.”

HAPPY FOR KEN CHAN. Masaya si Katrina para kay Ken na nabigyan ng break ng GMA for the first time via Destiny Rose.

“Kasi nung unang nakita ko yung picture niya sa audition, meron, e!

"Yung posing niya, yung iba kasi, parang maskulado, e.

“Siya yung medyo may lambot, e, may pitik.

"Tapos, nung nakita ko pa siya nung gumagawa kami ng mga eksena, ang galing niya. Ang galing.

“Tapos humihingi din siya sa amin ng advice.

"Sinabi namin talaga na babae yung gayahin niya, soft lang.

"Dapat huwag siyang gagaya ng bading, kailangan babae.

"Pag tingin sa kanya, babae talaga.

“Tsaka huwag siyang gagaya pati mga baklang salita, huwag.

“Babae lang.”

Maganda raw si Ken bilang babae.

“Nung nag-babae siya, maganda!

"Maganda, ang ganda, tapos ang landi! Malandi siya,” sabi ni Katrina.

Kahawig daw ni Destiny Rose sina Rachelle Anne Go, Cristine Reyes, at Heart Evangelista.

Biro pa ni Katrina, “Ang ganda niya. Ang sarap tadyakan, e, di ba? Minsan nakaasar na, e.

“Ang galing-galing po niya, actually lahat po ng cast, ang galing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN