Jake Cuenca on Enrique Gil's rumored drunken incident on London flight: "Malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved."

Jake Cuenca on rumored plane incident involving Enrique Gil, Jessy Mendiola, and Luis Manzano: “Nagulat ako sa issue..’Tsaka kung ano man po, hindi po ako makakapagsalita for anyone kasi hindi rin naman ako spokesperson ng kahit sino. Yun po.”


Pinabulaanan ni Jake Cuenca ang espekulasyong may kinalaman siya sa drunken incident na kinasangkutan diumano ni Enrique Gil at ilan pang Kapamilya stars, habang sakay ng eroplano patungong London kamakailan.

Kaugnay ito ng bali-balitang isa si Jake sa diumano'y nambuyo kay Enrique na uminom ng alak sa gitna ng naturang flight.

Nauwi raw ito sa pagkalasing ni Enrique at isang engkuwentro sangkot sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in unruly in-flight behavior with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Ngunit nang hingan ng reaksiyon si Jake ukol dito, iginiit ng Pasion De Amor actor na nagulat siya nang makarating sa kanya ang balita.

Paglilinaw ng Kapamilya actor, “Sa totoo lang, nagulat ako. Nagulat ako kasi talagang hindi ako involved sa issue.

“In fact, natawa ako kasi parang nung umaga lang, sabi ko, ‘Grabe! Natuwa ako kasi binigyan ako ng best in behavior award ng [Star Magic] handler ko na si Kuya Al [Alan Real].’

“Sabi niya, ‘Uy, wow ha! Behaved ka sa London, nagbago ka na, Jake! Mature ka na.’

"Sabi ko, ‘Oo naman, Kuya Al. Ako pa ba? Iba na ako ngayon.’

"Tapos nung 2 A.M. ng umaga [September 10], ‘Ano ‘to?’ Sabi ko, ‘Saktong-sakto naman.’”

Nakapanayam ng entertainment reporters si Jake sa presscon ng Pasion De Amor, na ginanap ngayong Huwebes, September 10.



NOT ANYONE'S SPOKESPERSON. Direktang tinanong si Jake kung totoo ang nangyaring insidente, ngunit iginiit ng aktor na wala siya sa posisyong magsalita hinggil dito.

Aniya, “Nagulat ako sa issue. Nagulat talaga ako.

“But I can’t blame them for involving me because that’s always the case. Pero yun na lang po.

“Tsaka kung ano man po, hindi po ako makakapagsalita for anyone kasi hindi rin naman ako spokesperson ng kahit sino. Yun po.”

At kung mayroon mang nangyaring engkuwentro sa pagitan ng ilang sangkot na Kapamilya stars sa loob ng eroplano, wala umanong maibibigay na detalye si Jake, dahil tulog siya sa buong flight nila patungong London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nangyari nga bang inuman?

Sagot ni Jake, “Sa akin po, tulog ako buong flight, so yun po.”

Aminado si Jake na may mga pagkakataon noong nasasangkot siya sa kontrobersiya, kaya marahil nasangkot ang pangalan niya sa diumano’y drunken incident ni Enrique.



LESS BAD HABITS. Ngunit idiniin ng Pasion De Amor star na pinipilit niyang maging mas responsable sa kanyang kilos, dala na rin daw ng impluwensiya ng kanyang model girlfriend na si Sarah Grace Kelley.

“Alam niyo naman po na maraming beses na ako nasali sa mga ganyang klaseng issue.

“Pero malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved.

“And before anything po, hindi ko kayang sabihin na nagbagong-bagong buhay na ako.

"Pero proud ako sabihin na dahil siguro sa girlfriend ko, marami akong old habits na natanggal.

“And I can really say na with all due maturity, masayang-masaya ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN