Ken Alfonso on groping incident at Cosmo Bachelor Bash: “Kung aksidente, hindi ko naman po talaga seseryosohin yun.”

Ken Alfonso on getting accidentally touched in mall shows: "Marami na ang humahawak sa iyo. Hindi mo na alam kung sino at ano ang hinahawakan sa iyo. Minsan, hinahablot ka na lang bigla, tapos yayakapin ka.”


Naging balita ang naganap na panghihipo ng ilang audience sa male centerfolds na sina Alex Castro at Alex Medina na rumampa sa Cosmo Carnival sa SM MOA Concert Grounds last week.

Nakaka-relate daw rito ang Kapuso actor na si Ken Alfonso dahil rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash two years ago.

Kung nangyari raw iyon sa kanya, ipagkikibit-balikat lang ni Ken.

“Hindi ko naman po talaga seseryosohin yun.”

Pero ibang kuwento na raw kapag intentional ang pangyayari.

Sabi niya, “In a way, mao-offend ka.

"Kumbaga kasi, pumunta ka dun bilang tao pa rin naman. Gusto mo lang silang maging masaya.

“Pero not to the point na parang hahawakan na yung private part mo.”

Nangyayari rin daw ang ganoon sa mall shows.

Saad ni Ken, “Pag mall shows po kasi, marami na ang humahawak sa iyo.

"Hindi mo na alam kung sino at ano ang hinahawakan sa iyo.

“Minsan, hinahablot ka na lang bigla, tapos yayakapin ka.”

Pero wala raw problema kay Ken iyon hangga’t nakakapagpasaya siya ng mga tao.



DESTINY ROSE. Samantala, kabilang si Ken sa cast ng bagong afternoon soap ng GMA Network na Destiny Rose, na tumatalakay sa istorya ng isang transsexual woman na gagampanan ni Ken Chan.

Gaganap siya rito bilang pamangkin ni Michael de Mesa, isang bading na tutulong sa karakter ni Ken.

Ano ang magiging reaksiyon ni Ken kung malaman niyang may tiyuhin o kamag-anak siyang bading?

Sabi niya, “Wala pa po akong nakikilala.

"Pero kapag may tiyuhin ako na bakla, tapos alam kong magaling siya, high achiever siya, magiging proud ako para sa kanya.

"Pero kung magkakaroon po ako ng tiyuhin na bading, tapos alam kong hindi nakakatulong at mas pabigat pa sa family niya, e, siyempre parang, in a way, hindi ako siguro magiging proud sa kanya.

“Hahayaan ko na lang siguro siya kung ano ang gusto niya sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung kapatid niya ang bading?

“Okay lang naman po sa akin. Wala naman pong problema.

"Kasi, as long as parang pinahahalagahan niya yung relasyon niya bilang kapatid, bilang anak, at hindi naman siya sagabal sa pamilya namin, okay naman po.

“Siyempre lalo na akong magiging proud kung magaling na magaling din siya.”

Wala rin daw problema kay Ken kung may asawa na siya at magkakaroon ng anak na bading, although medyo iba ang magiging reaksiyon niya.

“Kasi anak, medyo iba na yun. Siyempre sa iyo na nanggaling yun.

“Matatanggap ko, pero sa simula, tao lang tayo. Kumbaga, mag-iisip ako kung bakit.

"Kumbaga, kakausapin ko siya kung bakit iyon ang naging desisyon niya sa buhay or bakit iyon ang nararamdaman niya.

“Sa umpisa talaga, medyo magkakaroon ka ng kalungkutan, in a way.

"Pero at the end of the day, anak ko pa rin yun, in a way.

"Tapos kumbaga, kung kaya naman niyang ituwid yung kanyang landas bilang yung sa career niya, matatanggap ko siya, as long as hindi siya pabigat."



NO RIVALRY WITH FABIO IDE. Kasama rin sa Destiny Rose si Fabio Ide, na gaya ni Ken ay talent ng Mercator Artist & Model Management.

Wala raw kaso kay Ken kung mas malaki ang papel ni Fabio sa Destiny Rose kaysa kanya.

“Kasi in terms of tenure naman po sa industry, medyo mas matagal na po sa akin si Fabio.

“Tsaka I think naman po yung role [love interest ni Destiny Rose] ay talagang fit din kay Fabio compared naman po sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN