Paulo Avelino advises Enrique Gil: “Live life and learn from your mistakes. Go on with life.”

Hindi man tuwirang itinangging may nangyaring insidente sa flight nila papuntang London noong nakaraang linggo, nakiusap si Paulo Avelino na hintayin na lang ang magiging pahayag ng kasamahan niyang si Enrique Gil tungkol dito.


Ayon kay Paulo Avelino, inimbento lamang ang lumabas na kuwento sa isang gossip blogsite na sila raw ni Jake Cuenca ang nagbuyo kay Enrique Gil na uminom ng alak, habang nasa commercial flight sila papuntang London, noong nakaraang linggo.

Ito raw ang dahilan kung bakit nalasing si Enrique na pinag-ugatan ng pagwawala diumano ng aktor sa loob ng eroplano.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Paulo, ang Resureksyon, kagabi, September 10, direktang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang aktor tungkol sa lumabas na balita.

Buwelta ng 27-year-old Kapamilya actor, “Yeah, as we all know, lagi naman, e.

"Ako, sa mga nasulat sa akin, everything is fabricated and, kumbaga, it's not the real story.

“Sa akin, kung gusto niyo sigurong malaman ang totoong istorya, mas okay na sigurong manggaling kay Quen [Enrique].”

Sa eksklusibong ulat naman ng PEP nitong Huwebes, ikinuwento ng aming witness na ang mga baso na may lamang Black Label, na ibinigay sa kanila ng flight attendants (FAs), ay ipinasa diumano nina Paulo at Jake kay Enrique.

Hindi raw kasi makahingi ng alak ang binata dahil mahigpit ang bilin ng handler nito sa FAs na huwag siyang bigyan.

Dahil sa kalasingan, naging makulit at maingay raw si Enrique.

Nagwala rin daw ang 23-year-old star sa eroplano.

Napagsalitaan din daw nang hindi maganda ni Enrique ang ka-loveteam na si Liza Soberano at ang kasama nilang si Jessy Mendiola.

Humantong ito sa paninita sa kanya ni Luis Manzano.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Jake, sinabi nitong hindi siya sangkot sa insidente dahil tulog daw siya sa kabuuan ng flight.

Read: Jake Cuenca on Enrique Gil's rumored drunken incident on London flight: "Malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Paulo na sila ang nabuntunan ng sisi sa nangyaring panggugulo diumano ni Enrique sa eroplano?

Sagot ng aktor, “Oo nga, e, lagi siguro, although...

"Well, I had nothing to do with it.

"It's better talaga to wait for what Enrique... for Enrique’s official statement.”

Ano naman ang payo niya kay Enrique sa sitwasyong kinakaharap nito ngayon?

Tugon ng Kapamilya actor, “Live life… Live life and learn from your mistakes. Go on with life.

“Mabait naman na bata si Enrique.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN