Alex Castro laughs off groping incident at Cosmo Bachelor Bash: "Mukhang enjoy na enjoy naman yung nakahawak sa ano ko!"

Alex Castro makes a decision to let go of the groping incident at the recent Cosmo show. He says, "Hindi yun dahilan para ikagalit ko sa Cosmo o sa mga nasa audience. Kung nangyari man yun, siguro ipagpasalamat ko na lang na na-appreciate nila ako kaysa isipin ko ang negative side nito."


Kahit may dumakma sa kanyang private part sa Cosmo Bachelor Bash noong September 5, sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City, hindi raw inisip ni Alex Castro na maging bayolente sa kanyang reaksiyon.

Bago pa raw magsimula ang kanilang pagrampa, napag-usapan na nila ng kapwa models niya na 'expect the unexpected,' kung kaya't hindi na niya gaanong ininda ang nasabing insidente.

Sabi ni Alex, "Aminin naman po natin na kaya kami nandun ay parang mag-entertain po ng mga tao.

"Pero kahit naka-topless kami, hindi po ibig sabihin ay puwede na kaming bastusin.

"Feeling ko talaga, foul yun, pero dahil Cosmo, hindi mo talaga maku-control ang mga tao.

"Okay, sige, pagbigyan na lang, pero nung moment na yun, nagulat ka.

“Bilang artist, bilang professional, gawin mo pa rin ang dapat mong gawin kahit feeling mo ay na-offend ka.

“Ganun naman talaga ang mga professional na tao, tapusin mo pa rin ang trabaho mo."

Nakausap ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) si Alex sa presscon ng pelikulang Resureksyon, na ginanap sa Events Place ni Mother Lily Monteverde, sa Valencia St., San Juan City, noong Huwebes, September 10.

EXPECTED. Inaasahan na raw ni Alex na may mga ganitong pangyayari na minsan ay hindi nakakalusot, kahit nag-iingat sila na hindi mahipuan o ano pa man.

Saad ng actor-model, "Kung mapapansin niyo kasi, kahit sa Cosmo last year, talaga namang ano...

"Merong lumuluhod, humihiga, kumakamay, tapos yung ngayon.

“Heto yung medyo malapit sa tao yung stage, kaya pag lumapit ka, puwede talagang maabot yung part na yun.

"In a way, in-expect ko na rin po na baka puwedeng mangyari yun.

"Nagulat lang ako, kung kaya parang ganun yung naging reaksiyon ko at kitang-kita ito sa nag-upload ng video.

"Pero after that, hindi naman yung nagalit ako, o kaya hanapin ko kung sino naman yun o ipahanap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga sa Instagram post ko, bonus ko na yun sa kanya, at 'wag na siyang maghugas ng kamay."


RESPECT. Sa kabilang banda, flattering ba na sa dami ng rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay siya ang napili nitong hipuan?

Nangingiting sabi ni Alex, "Ang dami kasi namin, at may kanya-kanya kaming experience.

"Hindi lang naman kasi ako ang nahawakan nang ganun.

“Mas prominent lang yung reaksiyon ko dahil nakita sa camera ang pagkagulat ko.

"Yung iba siguro, kung nahawakan man ang sa kanila, di nakita sa camera."

Paano kung ibang show ito, iba rin kaya ang magiging reaksiyon niya?

Aniya, "Siguro po, kung ano na lang ang reflex ng katawan mo o kung ano ang instinct mo ay yun na lang.

"Siguro dun dahil nasa rampa ako, tumayo ako, lumapit ako sa tao, may tendency talaga na mahawakan ang part na yun.

"Ang masasabi ko lang, artista o model ang nasa stage, kahit sinuman na ang trabaho ay ipakita ang katawan niya onstage.

“Siguro lang ay dapat respetuhin yung nasa stage kasi nandiyan po 'yan para mag-entertain.

"Siguro sa part ng mga celebrity o models na rarampa next year, mag-ingat na lang sana sila para 'wag maulit pa ang nangyari."



POSITIVE OUTLOOK. Handa pa rin naman siyang sumali next year, kung muli siyang maiimbitahan.

Saad ng Resureksyon actor, "Opo, hangga't gusto nila akong kunin, at naa-appreciate ako ng mga tao, go ako.

"Basta para sa entertainment ng mga tao, sige pa rin ako.

"Kung hindi ako nakakundisyon o dumating na yung panahon na graduate na ako sa ganun, dun na lang siguro ako hihinto.

"Pero yung moment na yun na may mangyari, hindi yun dahilan para ikagalit ko sa Cosmo o sa mga nasa audience.

"Kasi kami ay ginagawa rin lang namin kung ano ang trabaho namin dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung nangyari man yun, siguro ipagpasalamat ko na lang na na-appreciate nila ako kaysa isipin ko ang negative side nito."

Dugtong pa niya, “Kaya minsan, natatawa na lang ako sa comments at sa mga biro ng mga kaibigan ko.

"Pinagtatawanan na lang namin, at di ako apektado.

"Mukhang enjoy na enjoy naman yung nakahawak sa ano ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN