Coleen Garcia on relationship with Billy Crawford: "Pinaka-adjustment is the whole getting married thing kasi he wants to get married na."

Coleen Garcia on settling down: “When I get married, I want to be a wife. I want my priority to be my husband. But right now, I’m not done with myself, so hindi pa ako ready na tumutok sa isang tao.”


Isang taon mula nang opisyal silang maging magkarelasyon, mas naging bukas si Coleen Garcia sa pagsasabing sigurado siyang si Billy Crawford na ang nais niyang makasama habambuhay.

“I know he is,” ang mabilis na sagot ni Coleen nang tanungin siya ni Kris Aquino kung si Billy na ang “the one” para sa kanya.

Nakapanayam ni Kris si Coleen sa September 11 episode ng Kris TV sa ABS-CBN.

Ayon kay Coleen, botong-boto ang buong pamilya niya kay Billy dahil totoo at maayos ang pakikiharap nito sa mga magulang ng dalaga.

“Wala siyang itinatago na anything. My parents would ask him anything, he’ll answer right away.”

Kaya naman lalo raw napamahal si Billy sa mga kaanak ni Coleen.

Sabi pa ng Ex With Benefits actress, “My dad kasi, he's so strict.

"Kahit nung bata ako, ‘Wala, you’re gonna have a boyfriend when you’re 42.’

"But then, when he met Billy, super solid Billy siya.

“Even my lola, before she died, sabi niya, ‘Whatever you do, don’t let go of Billy.”

Sampung taon ang agwat ng edad nina Billy at Coleen, na ngayon ay 33 at 23 taong gulang, respectively.

Bunsod nito, inamin ng Kapamilya actress na malaking “adjustment” para sa kanilang dalawa ang usapin tungkol sa paglagay sa tahimik.

Lalo’t nasa hustong edad na si Billy para bumuo ng sariling pamilya.

Sabi ni Coleen, “Siguro ang pinaka-adjustment is the whole getting married thing. Kasi he wants to get married na.”

Tanong ni Kris, nag-propose na ba sa kanya si Billy?

Sagot ng dalaga, “Not yet naman.

"Pero siyempre, he talks to me about it, we talk about it.

“And he wants to get married soon.

"Pero I have so many things I want to do first.

"So, ayun, we have to compromise."

Natatakot ba siyang baka mawala ang mga oportunidad na nararanasan niya ngayon sakaling magpakasal siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Coleen, “When I get married, I want to be a wife.

"I want my priority to be my husband.

“But right now, I’m not done with myself.

"So, hindi pa ako ready na tumutok sa isang tao."

Nabanggit din ni Coleen na posibleng “five years” pa bago siya maging handang magpakasal.

Sabi pa niya, “I don’t want to have a baby too late din.

"I want more than one kid.

"I don’t wanna be too old when I have a baby.

"[Gusto ko] mga super late 20s, pa-30 na."



NOT A THIRD PARTY IN BILLY-NIKKI BREAKUP. Hindi kaila sa publiko na isa sa malaking hamong pinagdaanan ng relasyon nina Billy at Coleen ay ang kontrobersiyal na hiwalayan ng TV host-actor-singer at ng ex-girlfriend nitong si Nikki Gil.

Matatandaang isa sa mga itinuturong diumano’y third party ay si Coleen—bagay na muling pinabulaanan ng 23-year-old actress.

"We’ve been dating for two years. But we’ve been together for a year, like boyfriend-girlfriend."

Pag-amin pa ni Coleen, "May hestitation nung una, e.

“Kasi, di ba, there was that whole thing [Billy-Nikki breakup] going on?

“It [Billy and Coleen dating] was so public already before we’re even ready to be together.

“And then, parang it took me eleven months just to say ‘I love you too.’ Ganun.”

Aminado si Coleen na hindi naging madali para sa kanya ang mahusgahan ng publiko bilang mang-aagaw ng karelasyon ng iba.

Ngunit ang totoo, ayon kay Coleen, “I know I didn’t do anything wrong kasi they were really split up na at that time.

"Pero hindi pa lumalabas, hindi pa alam ng tao and everything.”

Sa kabila ng panghuhusgang dinanas niya mula sa ibang tao, pinili ni Coleen na maging sila ni Billy pagkatapos niyang lubusang makilala ang pagkatao ng It's Showtime host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Coleen, “Pinanindigan ko.

“Because I was already there and I like Billy.

"At the time, hindi pa love, kasi we just started going out and everything.

“But I saw that he's really such a good guy, and it was worth giving him a chance.

“And nagdasal ako nang nagdasal na sana worth it talaga.

"Kasi kung hindi naman, sayang yung effort."

Sa ngayon, masasabi ni Coleen na hindi niya pinagsisihan ang kanyang naging desisyong maging sila ni Billy.

Paano niya nalamang mahal na niya si Billy?

Sabi ni Coleen, "Paunti-unti.

"When I realized na I didn't care what the people are saying, I already knew it was worth it.

"Yun na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN