Glaiza de Castro surprised by global reach of The Rich Man's Daughter: "Beyond my expectations."

Glaiza de Castro still cannot believe the outpouring of support for Rastro, the moniker of her loveteam with Rhian Ramos. She says, "Nakakatuwa na na-hit namin yung global market. Kasi alam naman natin na risk yun, yung theme ng The Rich Man’s Daughter, di ba?"


Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magwakas ang GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter (TRMD) na pinagbidahan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos, pero patuloy pa rin ang suportang ibinibigay sa kanila ng mga sumubaybay ng nasabing Kapuso teleserye.

Hindi rin makapaniwala si Glaiza sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang teleserye ni Rhian na may sensitibong tema.

Aniya, “Beyond my expectations.

“Talagang pinag-uusapan nga namin nila Chynna [Ortaleza], nina Rhian yung mga time na nagte-trend siya agad.”

Bukod sa suporta sa kanilang show ay mainit din ang pagtanggap sa tambalan nina Glaiza at Rhian, na tinaguriang Rastro, at nagkaroon na rin ito ng international following.

Kuwento ni Glaiza, “Tapos yung mga tao na galing sa iba’t ibang bansa, they have this fan club.

“They are called Rastro Rebels International.

“Yes, international, and meron talaga silang description of who they are.

“Parang meron silang representatives from the Philippines who translated every episode [of The Rich Man's Daughter] in French, English, Chinese.

“Ngayon, may nagta-tag sa akin sa Twitter, mga fans from Brazil, fans from Australia, from Canada.


“Nakakatuwa na na-hit namin yung global market.

“Kasi alam naman natin na risk yun, yung theme ng The Rich Man’s Daughter, di ba?

“And it remains a taboo until now, and I think malaking naging epekto nun sa Philippine TV.

“And bilang sa amin din, bilang artists, do not be afraid to take risks or risk something, di ba?

“Who knows, may mga ganun tao pala na nag-aantay ng ganung klaseng content.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng kanyang first major concert titled Dreams Never End, sa Book and Boarders Café, sa Quezon City.

Ang concert ni Glaiza ay gaganapin sa October 3 sa Music Museum.

MARIAN. Si Marian Rivera ang talagang dapat makakapareha ni Glaiza sa The Rich Man's Daughter, ngunit dahil sa kanyang pagbubuntis ay pinalitan siya ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Glaiza kung sa palagay niya ay ganun pa rin ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanilang teleserye kung si Marian ang gumanap dito.

Sagot niya, “It would have the same effect kasi it didn’t focus on the actor.

“Yung main focus niya is yung story, e, at yung theme. I think it would have the same effect.

“If it weren’t for the baby and circumstances na hindi natin inaasahan, it would be interesting.

“Dun malalaman kung paano siya tatanggapin.”

Dagdag ni Glaiza, “Dream project niya ‘to, e, kaya ako napunta dito dahil sa kanya.

“Tumawag siya sa akin last year, sabi niya sa akin meron nga daw kaming gagawin.

“Medyo natakot ako kasi parang, ‘Ano ‘yan?’

“Medyo sensitive pa nga yung tema, so na-excite ako for her, kasi alam naman natin na primetime queen siya, e.

“Mayroon siyang image na talagang pure, perfect.

"So, yung role ni Jade, talagang ibang klase yun.

“Parang I would have loved to see her grow as an artist through The Rich Man’s Daughter.

“Pero nakita ko naman yun kahit sa sandaling panahon na nagkasama kami.

“Kasi medyo marami-rami na rin naman kaming nakunan, tapos nagulat ako.

“Yung mga tao, kailangan mo lang talaga silang bigyan ng something new para ma-explore din nila yung sarili nila.”

Marami na rin ang nag-aabang sa future projects nina Glaiza at Rhian.

Sabi ni Glaiza tungkol dito, “If given an opportunity, why not?

“Ano pa rin siya, e, challenge pa din siya sa amin bilang actors, kung paano namin iibahin from The Rich Man’s Daughter.

“Kung ano man yung gagawin namin sa movie, kung meron opportunity, bakit hindi?

“Masaya din naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN