Jasmine Curtis-Smith not ready to entertain suitor Brian Poe Llamanzares

Sa ngayon daw ay wala pa sa isip ni Jasmine Curtis-Smith ang magka-boyfriend ulit. Punung-puno raw kasi ang kanyang schedule sa susunod na tatlong buwan.


Ayaw munang isipin ni Jasmine Curtis-Smith ang usaping lovelife sa ngayon.

Punung-puno raw kasi ang kanyang schedule sa nalalabing bahagi ng 2015.

Sabi ng TV5 actress, "With my schedule now, I don't think I can put that in the schedule.

"So, if it's there, then it's there.

"Ngayon, it's not something I'd like to pursue."

Paano na ang balak ni Brian Poe Llamanzares na panliligaw sa kanya?

Sagot ni Jasmine, "I don't know... Ayoko po kasi masyadong bigyan ng buhay 'yang mga ganyang topics."

Choice ba niya sa ngayon na huwag munang magka-boyfriend?

"Not naman na it's a choice, but it is just it is.

"But right now, yes. Hindi ko naman hinahanap.

"With my schedule set for three months, I don't think I can afford to put effort into someone else.

"So, I'd rather put effort on what I'm doing, how I am, para kayanin ko yung schedule ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng pelikulang Resureksyon, noong September 10, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Ginagampanan ni Jasmine dito ang role ni Aila, ang kapatid ni Isabelle Daza na magiging bampira. Ipalalabas ang pelikula simula sa September 23.

OKAY TO BE SINGLE? Enero ngayong taon ay naghiwalay sina Jasmine at Sam Concepcion.

Pabor ba sa aktres na manatili muna siyang single ngayon at wala siyang masasabing inspirasyon?

Sagot niya, "A, wala namang pagkakaiba, I think.

"I find inspiration in everything, in everyone, anyway.

"So, ang pagkakaiba lang naman kapag may boyfriend sa wala is meron kang romantic angle, in terms of inspiration.

"Now, you know, it's just that whatever I'm doing, I find inspiration in it."

So, ibig bang sabihin nito, hindi pa talaga siya ready magka-boyfriend matapos ang breakup nila ni Sam at wala na talagang chance si Brian?

Paglilinaw ni Jasmine, "I didn't say that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't say I'm not ready to have a boyfriend.

"Everyone has a chance with everyone.

"It's just in terms of priorities and what you're focusing on at that time.

"It's like where you wanna put your effort and time into."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN