Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”

Enrique Gil issued a public apology on national TV for his drunken incident last week: “Tao lang, nagkakamali. We all make mistakes but you own up to it, you learn from it, and move forward."


Nagbigay na ng public apology ang Kapamilya star na si Enrique Gil kaugnay ng paglalasing at panggugulo niya habang nasa biyahe sila papuntang London, England, noong September 4.

Dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lumabas ang mga detalye ng kinasangkutang insidente ni Enrique.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Humarap si Enrique, kasama ang ka-loveteam niyang si Liza Soberano, kay Mario Dumaual para sa isang panayam na ipinalabas sa TV Patrol ngayong Biyernes ng gabi, September 11.

Dito ay inamin ni Enrique ang nagawa niyang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin.

Pahayag ng 23-year-old actor, “I had some drinks sa plane. I mean, more than I should be having.

“So, as a result, things got out of hand.

“At dahil po dun, I wanna apologize to my brothers and sisters from Star Magic.”

Binanggit din ni Enrique ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola at ang nobyo nitong si JM de Guzman.

Ayon sa report ng PEP, si Jessy ang napagtuunan ng pansin ni Enrique noong nalasing siya sa eroplano.

Sabi ni Enrique, “I sincerely apologize to Jessy, to JM, if ever I offended them in any way. I’m sorry. Yun lang po…”

Dagdag pa ng Forevermore star, “Tao lang, nagkakamali.

“We all make mistakes but you own up to it, you learn from it, and move forward.

“It’s the first and last time this will ever happen.”

Pinasalamatan naman nina Enrique at Liza ang kanilang loyal supporters dahil sa pang-unawa ng mga ito.

Ayon kay Enrique, “Thank you so much po sa lahat ng fans namin na sumusuporta sa amin, for all the love and support.

“We love you and we just wanna reassure we’re okay, we’re fine.”

Dagdag naman ni Liza, na nasa tabi ni Enrique, “Thank you for understanding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Andiyan lang kayo sa panahong kailangan kayo ni Quen.

“Sana, kahit nangyari po yung mga nangyari, hindi po kayo magsasawa na magpakita ng pagmamahal and to support Quen. Thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN