Jake Cuenca to Enrique Gil: "Take responsibility for your actions."

Jake Cuenca is surprised by the overwhelming response of TV viewers to Pasion de Amor, hinting of a more exciting sequel: "Maraming characters na papasok. ‘Tapos yung reversal of fortune, yayaman na kami, paboloso na kaming magkakapatid.”


Dawit si Jake Cuenca sa ilang kuwentong lumabas tungkol sa paglalasing at pagwawala ni Enrique Gil sa eroplano habang papunta ang ilang Kapamilya stars sa London noong September 4.

Silang dalawa raw ni Paulo Avelino ang kasama ni Enrique na nag-inuman sa loob ng eroplano.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Agad naman itong pinabulaanan ito ni Jake sa panayam sa kanya ng reporters sa presson para sa Book 2 ng Pasion de Amor noong Huwebes, September 10.

Sinabi pa ng Kapamilya actor na tulog siya sa kabuuan ng flight.

Read: Jake Cuenca on Enrique Gil's rumored drunken incident on London flight: "Malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved."


FRIENDLY ADVICE. Dahil ilang beses nang na-involve sa ilang kontrobersiya at gulo noon si Jake, at bilang isang artista na dumaan sa ganitong sitwasyon, may payong-kaibigan ang aktor para kay Enrique.

Sabi ni Jake, “I know Enrique, he is a great guy, kilala ko siya.

“More or less, nakatrabaho ko na rin siya sa ASAP, [kaya] ako makakapagsabi Enrique has a pure heart, such a great guy.

“In incidents like this… na maraming tao ang naaagrabyado, the best thing to do… is to take responsibility for your actions.

“When you take responsibility for your actions, mayroon kang matututunan, maraming tao ang di maaagrabyado.

“Kumbaga, a journey of a boy turning into a man, you go through problems like these.

“I did, personally, I went through problems like this.

“Kung maraming tao ang naagrabyado, the best thing to do it is to just own up to your actions.”

Kasama sa mga taong tinutukoy ni Jake na naugnay ang pangalan sa gulo na nilikha ni Enrique ay ang kapareha nitong si Liza Soberano, na balitang namura pa ng young actor nang awatin siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadawit din sa insidente sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Pahayag ni Jake, “Tulad ng nasabi ko, a lot of the people na nasasama sa issue, marami diyan kaibigan ko.

“Maraming-marami diyan and some of them are even my best friends, like Paulo.

“I can’t answer for them, but artista din naman sila, you will be able to interview them.

“Like I’ve said, I can’t be a spokesperson... I hope you understand that a lot of the people are my friends as well.

“I think you should be interviewing the right people who were really involved in the incident.

“Ang dami din namang witnesses dun, if someone was involved, you would know.”

Kagabi, September 11, ay inamin na ni Enrique ang nagawang pagkakamali at nagbigay na ng public apology dahil sa nangyaring insidente.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN