Jessy Mendiola’s mom threatens to file a case against Enrique Gil; tells his fans, "You guys want it this way, we will give it your way."

Hindi na nakayanan ng ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida ang pagtawag ng mga masasakit na salita laban sa kanyang anak ng fans ni Enrique Gil. Dahil dito, nagbabalak daw magsampa ng reklamo ang ina ni Jessy laban kay Enrique, na nambastos diumano sa anak niya habang nasa eroplano patungong London.


Umalma ang ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida sa mga batikos na natatanggap ng anak pagkatapos mag-post ng aktres ng isang makahulugang mensahe sa Instagram.

Ito ang pinakahuling post ni Jessy noong Miyerkules, September 8:

Tila nag-ugat ang post na ito ni Jessy sa insidenteng nangyari sa loob ng eroplanong sinakyan niya, kasama ang iba pang Kapamilya stars, patungong London para sa show roon ng ASAP noong nakaraang linggo.

Sa nasabing biyahe naganap ang kaguluhan sa pagitan niya at ng kapwa Kapamilya stars na sina Enrique Gil, Liza Soberano, at Luis Manzano.

Sa exclusive report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, September 10, lumalabas na nalasing si Enrique at nanggulo sa loob ng eroplano.

Sa kanyang pagwawala ay nadamay sina Jessy, Liza, at Luis.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

MOMMY DIDITH FIGHTS BACK. Sa mga komento ng naturang post ni Jessy—na karamihan ay masasabing mula sa avid fans ng tambalang LizQuen (Liza and Enrique)—tinawag na "papansin," "wala nang career," at kung anu-ano pang masasakit na salita ang 22-year-old actress.

Kahapon, September 11, nagsimulang sumagot si Mommy Didith sa mga komentong ito patungkol sa kanyang anak.

Sa isang komento ng ina ni Jessy, sinabi nitong hindi naayos sa London ang naging gulo sa pagitan ng anak at ni Enrique.

Aniya, “It was not settled in London and you better stop now.

'There might be consequences for you bashing Jessy. Maaalanganin. Kaya stop na kayo.

“Kayo ang overacting. Itigil nyo na yan. Warning you again ha.”

May mga nagsasabi namang hindi naging maganda ang dating ng pag-post ni Jessy ng naturang mensahe sa kanyang Instagram account.

Pahayag ni Mommy Didith tungkol dito, “So Jessy pa ang di nice, ay iha, what is wrong ba with you?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She is nice to the highest level.

"Wag ka na magsalita okay na. Baka mauwi pa sa hindi maganda ng dahil sa inyo.

“So now, I am warning you. You stop na.”

Paalala pa niya, “Cyber crime law. Remember that.”

Pero hindi pa rin nagpaawat ang bashers ni Jessy.

Buwelta naman ni Mommy Didith: “Actually, yes she can file a case. So you stop it. Right here, right now.”


“DO NOT PUSH ME.” May isa pang basher na nagsabing tumigil na raw sa pag-aartista si Jessy dahil wala naman daw itong proyekto.

Dito ay tila napuno na si Mommy Didith at nagbantang sasampahan ng reklamo si Enrique kapag hindi pa rin tumigil ang pamba-bash sa kanyang anak.

Sagot ng ina ng aktres: “Sinasabi ko sa 'yo, tumigil ka. Do not push me.

"Ikakasa ko ang pag-file sa idol nyo pag di kayo tumigil. Tandaan nyo yan wag nyo ako galitin.”

Ilang sandali lamang, marahil ay may nabasa pa ang ina ni Jessy na hindi kanais-nais kaya sinabi nitong itutuloy na niya ang demanda kay Enrique.

Aniya, “For your information, I will file a case against Enrique Gil soon.

“Because you are not stopping, will let your idol take the consequences of your action, is that what you want?

“We will make a thorough investigation into this para talagang lumabas ang pinaka-totoong nangyari kasi masyado kayong mapilit!!”

Ayon pa kay Mommy Didith, gagamitin nila sa paghain ng reklamo ang naging komento ng mga tagahanga ng 23-year-old actor.

“Keep commenting this is one of the evidence why we want to file. Keep doing it.”

Hindi pa rin nagpaawat ang ina ni Jessy.

Sinabi pa nito sa kasunod niyang komento: “Your idol supposedly harassed her and you are harassing her.

“Evidently, violation against women. Okay, fair enough.

“One more time you stop and I stop.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banta pa niya sa mga hindi pa rin tumitigil sa kababato ng hindi magagandang salita sa anak: “I don’t know you all but I guess you guys want it this way, we will give it your way.”

JESSY IS HURTING INSIDE. Sinabi pa ni Mommy Didith sa bashers ng anak na dapat mas mahalin pa nga nila si Jessy dahil sa hindi nito pagsasalita.

“Okay taken. Jessy is our first priority.

“Shouldn’t you love Jessy more for not saying anything? She is basically not saying anything.

“You know how hurting is that inside?”

Sabi pa ni Mommy Didith sa kasunod niyang komento: “Alam mo ba ang sinabi ni Enrique sa airline kay Jessy?

“If I were you, stop provoking me.

“I will be child like you because you all want to be treated like one.

“Those words were said and have done harm.

“So now I said my piece.

“You are right, I cannot control you because you love your idol so much.

“But I love my daughter more.

“This is what your mother will feel when something happen like this to your daughter in the future and the daughter of your daughter.”

Ipinaalala rin ni Mommy Didith sa mga nakikisakay sa isyu na balang-araw ay magkakaanak din ang mga ito.

Na kapag ang kanilang karapatan bilang babae ay nalabag na, dapat itong ipaglaban.

“At kayong nakikisakay, oo magkakaanak din kayo in the future, so think about that your right as a woman is being violated, fight for it.

“You are all my daughter and I will fight for… that is how we think.

“So, when you bash me or you bash Jessy… you bash your sister, your mother, your grandmother and all the women whom you truly love.

“I hope now you understand.”


“SHE IS NOT KABIT OR LAOS…” Sa huli, nagpahayag ng kanyang saloobin si Mommy Didith kaugnay ng mga masasakit na salitang ibinabato kay Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “She never fights back.

“She’s not taught to do that in the sea of so many people.

“She just want to be happy like you.

“No, she is not kabit or laos or anything bad you say she is.

“In fact, she doesn’t care about popularity. She just want to work.

“That all she wants. That is all we want, right? To work with dignity.

“For you to bash her is a very humbling experience she has to take in the sea of people and in the jungle of showbizness.

“But she will keep on sailing and will keep exploring, just like you.

“So you and Jessy Mendiola are two simple human being who sail hand in hand in that thing called life.

“You the audience… she the entertainer. But basically, you and her are just the same.”

Kahapon, September 11, humingi na ng dispensa si Enrique kay Jessy sa panayam ng aktor sa TV Patrol.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”

Bukas ang PEP sa maaaring maging sagot ng kampo ni Enrique sa mga pahayag na ito ng ina ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN