Alden Richards and Maine Mendoza meet again; had their first touch and 'first kiss'

Kung noong nakaraang linggo ay plywood ang humarang sa paglalapit nina Alden at Yaya dub, ngayong araw naman ay naka-blinfold sila. Pero saglit pa ring nagkita ang dalawa, nagkadikit sandali, at uminom sa iisang straw.


Second meeting. First touch. First kiss.

Ito ang ilan lamang sa naging highlights sa kapana-panabik na Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 12.

Ngunit ang pinakamalaking rebelasyon ay nalaman na kung sino ang nagpadukot kina Alden at Yaya Dub.

Ito ay walang iba kundi si DuhRizz, ang apo ni Lola Nidora.

Sina DuhRizz at Lola Nidora ay parehong ginagampanan ni Wally Bayola.

Isinakay sa magkahiwalay na van sina Alden at Yaya Dub (Maine Mendoza), pero dinala sa iisang parking area at magkatabing ipinarada ang mga sasakyan.

Doon na lumantad si DuhRizz at sinabi ang dahilan kung bakit niya ipinadukot ang dalawa.

Lumalabas na pinagseselosan niya si Yaya Dub dahil bukod sa nakuha nito ang pagmamahal ni Lola Nidora ay ito rin ang gusto ni Alden.

Yun pala, may gusto rin si DuhRizz kay Alden.

Parehong nakapiring ang mga mata nina Alden at Yaya Dub, pero binigyan sila ng pagkakataon ni DuhRizz na makita ang isa't isa nang tanggalin niya ang mga ito.

Bagamat aktingan lang ito, hindi naman maitago nina Alden Richards at Maine Mendoza ang sobrang pagkakilig nang muli nilang masilayan ang isa't isa.

Ngunit muling ipinabalik ni DuhRizz ang mga blindfold nina Alden at Yaya Dub at pinababa mula sa kani-kanilang vans.

Dito na naganap ang pagdidikit ng katawan nina Alden at Yaya Dub nang magbanggaan sila, na ikinilig lalo ng mga manonood.

Ngunit ang mas lalong nagpakilig sa lahat ng nakapanood ay ang pagsipsip nina Alden at Maine sa iisang straw.

May dala-dala kasing ice coffee si DuhRizz at inalok niya kay Alden, na sumipsip naman.

Pagkatapos ay sumunod niyang inalok si Yaya Dub na ganun din ang ginawa.

Itinuturing ng marami na ito ang unang "indirect kiss" nina Alden at Yaya Dub.

Ngunit naputol ang kasiyahan at pagkakilig ng lahat nang pasakayin na muli ni DuhRizz si Alden sa van, at paalisin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiwan naman si Yaya Dub na umiiyak.

Pero biglang dumating sina Tinidora (Jose Manalo) at Tidora (Paolo Ballesteros) at kinausap nang masinsinan si DuhRizz.

Sinabi ng mga ito na mali ang inaakala niyang hindi siya mahal ni Lola Nidora, na isinugod sa ospital dahil sa labis na pag-aalala kay Yaya Dub.

Ang totoo raw ay ipinagmamalaki ni Lola Nidora si DuhRizz dahil sa pagiging independent nito.

Nabagbag naman ang damdamin ni Duh at humingi ng tawad kay Yaya Dub.

Naputol ang eksena nang makatanggap ng tawag sina Tinidora at Tidora na may nangyari sa kapatid nilang si Nidora; habang si DuhRizz naman ay naglalakad sa kawalan.

KUDOS TO WALLY. Muli namang umani ng papuri mula sa netizens at maging sa mga kasamahan nila sa Eat Bulaga! ang ipinamalas na acting ng mga nagsisiganap sa Kalyeserye.

Lalung-lalo na si Wally, na muling nag-shift ng character mula Lola Nidora papuntang DuhRizz.

Sa pagsisimula kasi ng episode kanina ay nakaratay si Lola Nidora dahil hindi na raw makagalaw sa sobrang pag-aalala kay Yaya Dub.

Pero ilang sandali lang ay lumabas si Wally bilang Duh Rizz naman, ang liberated na apo ni Lola Nidora.

At gaya nung mga nakaraang araw, wala pa ring tigil ang pagtu-tweet ng AlDub Nation kaugnay ng episode ngayon.

Ang official hashtag ngayong araw ay #ALDUBTheAbduction, na kasalukuyan ay umabot na sa halos three million tweets.

Pagkatapos ng episode ay nag-tweet sina Maine at Alden, na tila may panghihinayang pa sa nabitin na namang pagkikita nila:

What just happened #ALDUBTheAbduction

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 12, 2015

Andun na eh, konti na lang eh! Tsk. #ALDUBTheAbduction

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 12, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN