Are Kakai Bautista and Ahron Villena dating?

“Ine-enjoy lang po namin kung ano ang meron kami,” says Kakai Bautista about her extra closeness with actor Ahron Villena.


Nagde-date ba sina Kakai Bautista at Ahron Villena?

Ito marahil ang tanong ng Instagram followers ng dalawang celebrities dahil sa mga post nila sa kani-kanilang Instagram account.

Take a sip of my buko juice mom???????????????????????????. #bukojuicepamore #AhKai ?????????

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on

Thank you.??? #ahkai

A photo posted by Catherine Bautista (@ilovekaye) on

Kahit sa interview ni Kakai sa Aquino and Abunda Tonight noong Huwebes, September 10, hindi nakawala ang Your Face Sounds Familiar contestant sa tanong na ito ng host na si Boy Abunda.

“Masaya lang po,” nakangiti na may halong kilig ang maiksing sagot ng 37-year-old actress-singer.

Muling tanong ni Boy: “Are you together?

Sagot ni Kakai, “Ini-enjoy lang po namin kung ano ang meron kami.”

Pagkatapos ay natawa silang pareho ni Boy.

Pero dagdag ni Kakai, “Hindi pa po. Hindi pa.”

Nang tanungin kung nanliligaw sa kanya ang 28-year-old actor, sabi ni Kakai, “Hindi ko po alam, e. Basta masaya lang po kami.

"Lumalabas kami tapos masaya."

Sa huli, ibinahagi ni Kakai ang sinabi sa kanya ni Ahron bago ang kanyang guest appearance sa weeknight talk show ng ABS-CBN.

“Sabi niya kapag tinanong kung kami na, sabihin ko raw mag-asawa na kami,” sabi niya.

Ano ang tawag nila sa isa't isa?

Sagot ni Kakai, “Ang tawag niya sa akin ay 'mom' kasi napagkamalan kaming mag-ina. Nakakaloka, di ba?"

"Love" naman daw ang tawag niya kay Ahron.

Thanks mom @ilovekaye for tonight.???

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN