Ejay Falcon on real score with Ellen Adarna: “Kinikilala namin ang isa’t isa.”

Ejay Falcon on real score with loveteam Ellen Adarna (right): “Sinasabi kasi nila na nanliligaw [ako] or kami na. Ayoko namang gamitin yung term na ligaw, kasi nagiging kumplikado, e. May mga expectations. Masaya ako na nakakasama ko siya. Enjoy ako kasi sobrang saya niyang tao.”


Noon pa man ay bali-balita na ang espesyal na relasyon na namamagitan sa Pasion de Amor stars na sina Ejay Falcon at Ellen Adarna.

Maraming pagkakataon na nakitang lumalabas ang dalawa at halatang halata raw sa kilos at tinginan nila na espesyal ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Kinumpirma ito ni Ejay sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa presscon para sa Book 2 ng Pasion de Amor nung nakaraang Huwebes, September 10.

Pero sa ngayon, hindi pa raw talaga sila ni Ellen at nasa “getting-to-know-you” stage pa lang ang kanilang relasyon.

Pagklaro ni Ejay, “Sinasabi kasi nila na nanliligaw [ako] or kami na. Ayoko namang gamitin yung term na ligaw, kasi nagiging kumplikado, e. May mga expectations.

“Masaya ako na nakakasama ko siya. Enjoy ako kasi sobrang saya niyang tao. Ako naman, seryoso.

“So parang nahahawa ako sa anumang saya na mayroon siya. Yun ang idinudulot niya sa akin, yun ang importante. Enjoy lang.

“Sa ngayon, kinikilala namin ang isa’t isa. Lumalabas kami, nakikita n'yo naman yun.”

TAKING THEIR TIME. Dahil pareho silang malaya at walang karelasyon, walang magiging problema sakaling maging sila Ejay at Ellen na nga. Marami tuloy ang nagtatanong kung ano ang pumipigil sa aktor para i-pursue ang anumang nararamdaman para sa sexy actress.

“Siyempre, kailangan mo munang siguraduhin sa sarili mo kung dahil lang ba ito sa show, dahil lagi mo lang siya kasama.

“Galing ako sa PBB [Pinoy Big Brother]. Alam ko yung mga ganyan.

“Sa PBB, yun lang ang nakikita mong mga tao. Pagpunta mo sa taping, siya lang ang nakakasama mo, kaya akala mo in-love ka na.

“Tingan natin. Dahan-dahan lang. Ang importante makilala niya ako, makilala ko siya,” diin ni Ejay.

LEARNING FROM PAST RELATIONSHIP. Inamin ni Ejay na hinay-hinay siya sa pagpasok sa bagong relasyon dahil sa nangyari sa kanila ng ex-girlfriend na si Yam Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, kasi yung kay Yam, ang bilis-bilis ng pangyayari. Ang nangyari kasi, masyado kaming nagmadali. Mabilis ang pangyayari, kaya siguro hanggang dun lang. Sa susunod, gusto ko pangmatagalan na.”

Siniguro ng aktor na nagkaroon ng closure ang breakup nila ni Yam at dapat nga ay magkakasama sila sa isang proyekto sa ABS-CBN.

“Di kami nakakapag-usap, pero dapat sa Wansa [Wansapanataym] kasama siya, pero sasagasa sa sked niya ng Deal Or No Deal, kaya di natuloy.

“Ako, ready ako to work with her again saka nagkausap na kami kaya nagkaroon ng closure.”

MATURE AND RESPONSIBLE. Sa presscon proper ng Book 2 ng Pasion de Amor, nabanggit ni Ellen na may pagka-immature pa si Ejay. Pero mature na raw ito pagdating sa mga responsibilidad sa kanyang pamilya.

Sinang-ayunan ito ng aktor.

“Sa akin, yun ang pinakaimportante. Kung boyfriend mo ang isang tao, ang importante ay mature siya sa pagharap sa mga responsiblidad.

“Importante na mature ako pagdating sa family ko. Siguro ang pinakaimportante pa rin sa lahat ay kaya mong harapin ang responsiblidad mo sa pamilya mo.

“Immature? Siguro kung paano ako mag-react sa mga bagay-bagay.

“Ako, di ko ide-deny yun. Naiintindihan ko ang sarili ko kung bakit ako ganun.

“Nung time na yun, one month akong segue-segue.

“Galing ako sa Pasion de Amor, 5 a.m. ang pack up, tapos diretso na ako ng 7 a.m. sa taping ng Wansapanataym.

“Batangas ang location. Galing ako ng Bulacan. Dun na ako maliligo sa set.

“Sa Pasion de Amor, ang bibigat ng mga eksena tapos sa Kureyente Kid, dalawa ang karakter ko, isang superhero saka isang standard na tao.

“Ang hirap, tatlong characters ang pinu-portray ko sa isang araw.”

EXCITED ABOUT BOOK 2. Ngayong nagsimula ang Book 2 ng Pasion de Amor, aminado si Ejay na sobra siyang excited at masaya sa pagbubukas ng bagong yugto ng pinagbibidahang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya, sobrang saya kasi di namin ine-expect na ganito kami susuportahan ng tao.

“Bagong kombinasyon ng mga artista tapos biglang hayan na, may Book 2 na.

“Ang ibig sabihin, tinatangkilik kami ng tao. Ang daming twists, may mga bagong karakter na papasok, malalaking mga artista na magugulat ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN