Nikki Gil takes a break from showbiz commitments to prepare for November wedding

Nikki Gil explains why she isn't as visible in the showbiz scene these days: “Busy lang. I'm enjoying this new chapter of my life, new season. There are other things that need my attention right now, and I wanna give that attention to this special season of my life.”


Mismong si Nikki Gil ang nagkumpirma na sa darating na Nobyembre na ang kasal nila ng fiancé niyang si BJ Albert.

Sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong September 9, sa Tiffany and Co. engagement ring launch na ginanap sa Rustans, Makati, hindi itinago ng TV host/actress na ang paghahanda niya sa nalalapit na kasal ang dahilan kung bakit lie-low muna siya sa kanyang showbiz career.

“Busy lang. I'm enjoying this new chapter of my life, new season.

“There are other things that need my attention right now, and I wanna give that attention to this special season of my life.

“Life is happening and I wanna be there to witness it. I just wanna enjoy this chapter of my life.

"Ang dami naming pinaghahandaan, like renovating our place and other things.”

EXCITED. Hindi naman itinago ni Nikki na sobra siyang excited sa nalalapit na kasal.

Bulalas niya, “This November na!

“So far, so good. Exciting, happy, stress-free.

“Excited more than anything.

"Minsan nga, nakakalimutan namin na malapit na yung wedding.

"We’re fixing the house, travelling... we’re more excited about it.”

Dagdag ni Nikki, “We’re both hands on, we delegate the work na may mga items na siya ang gagawa, may mga items na ako naman.

"Peaceful naman yung preparations.

“Dito lang din, di naman kami masyadong lalayo.

“We want to make it intimate—only close friends and family.

"Paminsan-minsan naman, I post sa Instagram ng mga kaunting updates."

PRE-WEDDING BONDING WITH BOSOM BUDDIES. Nang hingan namin ng detalye tungkol sa kasal, sinabi ni Nikki na kasama sa wedding entourage ang dalawa sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz—sina Iya Villania-Arellano at Shaina Magdayao.

“Yes, they will be part of the entourage.

"Kasama ko sila pag food tasting, fitting, hanap ng sapatos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very, very happy that even at this point in our lives, we’re still friends and we’re able to experience this together,” sabi niya.

Sa huli ay tinanong namin si Nikki kung isa pa rin ba siyang Kapamilya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi siya napapanood sa ilang shows ng ABS-CBN, tulad ng ASAP XX, kung saan isa siya sa regular hosts.

Sagot niya, “As of now, tingin ko naman, yes, I think so.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN