Manilyn Reynes reveals husband Aljon Jimenez is her new manager

Manilyn Reynes cites the advantages of having hubby Aljon Jimenez as new manager: “Si Aljon kasi, magaling siyang businessman. Kapag tungkol sa mga kontrata, siya ang nakikipag-usap at nakikipag-ayos. So far, okey lahat. Maganda ang nangyayari kasi husband and wife team kami."


Ang mister na si Aljon Jimenez na ang tumatayong manager ng veteran singer-actress na si Manilyn Reynes.

Matagal na ring hindi aktibo sa showbiz si Aljon dahil naging busy ito sa iba’t ibang tinatayo nilang mga negosyo.

Pero ngayon, si Aljon na ang nakikipag-negotiate para sa mga projects na inu-offer kay Manilyn.

Kuwento ni Manilyn nang makausap namin sa presscon ng GMA teleserye na Destiny Rose noong nakaraang September 7, “At first, akala ko hindi kayang gawin yon ni Aljon.

“Iba kasi ang maging manager ka ng tao kesa sa nag-manage ka ng negosyo.

“Kapag talent manager ka kasi, kailangan tutok ka at marunong kang magbenta ng artista mo.

“Kasi naka-ilang managers na rin ako in the past. Yung una ko was Tito Rod Laurente. 'Tapos naging manager ko rin si Ms. Olive de Jesus.

“Kaya alam ko yung paraan nila kung paano mag-handle at magbenta ng talent nila.

“Sabi naman ni Aljon na wala na raw siyang problema sa pagbenta ng image ko. Kasi Manilyn Reynes na raw ako. Kumbaga may name na ako sa industry.

“Ang gusto lang niyang tutukan ay yung pakikipag-negotiate. Ayaw niyang madedehado ako pagdating sa talent fee.

“Si Aljon kasi, magaling siyang businessman. Kapag tungkol sa mga kontrata, siya ang nakikipag-usap at nakikipag-ayos.

“So far, okey lahat. Maganda ang nangyayari kasi husband and wife team kami. Nagtutulungan kaming dalawa.”

COMMISSION. Pinagpilitan ni Manilyn na bilang manager, kailangang may nararapat na komisyon si Aljon sa bawat transaction o proyekto na kukunin niya para sa kanyang misis, dahil maituturing daw na business ang pag-manage nito sa kanya.

Paliwanag ni Manilyn, “Noong una, sabi niya, huwag na lang at para raw sa akin ang buong talent fee.

“Sabi ko, huwag naman gano’n. Business is business. Ikaw nagsara niyan, dapat lang may porsiyento ka. Para fair, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ilang percent ang kinukuha niya, e confidential na lang iyon.

“Tutal sa pamilya din naman namin mapupunta yun, sa pag-aaral ng mga anak namin at sa mga gastusin namin araw-araw! So parang umikot lang!”

THANKFUL. Blessed si Manilyn dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapuso network.

Bukod sa teleserye na Destiny Rose kunsaan gumaganap siya bilang ina ng transgender woman played by Ken Chan, meron pang weekly comedy series na Pepito Manaloto si Manilyn.

Saad ni Manilyn, “Very thankful ako, lalo na sa mga fans na noong simula pa lang ng career ko in showbiz ay nandiyan pa rin.

“Dahil na rin sa social media, like Facebook, nagawa kong makipag-reconnect sa mga dati kong mga fans.

“Yung iba siyempre, may mga anak na at yung iba ay may mga apo na.

“Nata-touch ako sa mga kuwento nila, kasi kilala na rin ako ng mga anak at apo nila. Pinagmamalaki nila na naging tagahanga nila ako at gusto nilang makilala ako ng mga anak at apo nila.

“Yung mga nasa ibang bansa, inaabangan daw nila ang mga shows namin sa YouTube.

“Dahil sa kanila ay mas namu-motivate akong maging masipag pa sa showbiz. Kasi alam mong may napapasaya ka parati.”

REUNION WITH JANNO. Kailan naman muling magtatambal sila Manilyn at dating ka-loveteam na si Janno Gibbs?

Huli silang nagkasama sa teleserye na My BFF noong nakaraang taon.

Kung hindi raw sana lumipat si Janno sa TV5, malamang may pagsasamahan ulit sila ni Manilyn.

Para kay Manilyn, career move ang ginawa ni Janno, at mukhang happy daw ito sa naging desisyon na lumipat ng network.

“Kung saan naman happy si Janno, happy na rin tayo.

“Hindi naman natin hawak ang magiging desisyon niya. If he feels na mas marami siyang magagawa sa ibang tahanan, maganda iyon para sa kanya.

“Kami naman ni Janno, magkasama man kami sa work o hindi, kapag aksidente kaming magkita niya, nagkukuwentuhan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga fans na gusto pa rin ang loveteam namin at sobra kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta nila.

“Kung kelan kami magtatambal ulit, hindi ko masasabi.”

REVIVING HER SINGING CAREER. May mga nagre-request din kay Manilyn na bumalik sa pagkanta. Nasa planning stage na raw nila ng mister ang pagbalik niya sa recording industry.

“May kung anong plano rin kami ni Aljon with regards naman sa pagbalik ko sa recording.

“Uso naman ngayon ang nire-release muna sa YouTube ang mga music videos at singles, di ba? Parang gano’n ang gagawin namin para mabilis siyang mapakinggan at mapanood ng mga fans.

“Kapag maganda ang feedback, doon namin isusunod ang paggawa ng CD. Paunti-unti muna para mas sigurado,” lahad ni Manilyn.

NEW BUSINESS VENTURE. May bubuksan din na bagong food business ang mag-asawa.

Paliwanag ni Manilyn. “Ganyang ka-busy si Aljon. Kaya kahit na may offers siya na umarte ulit, mas priority niya ang mga negosyo namin.

“Ilang beses na siyang in-offer-an na lumabas sa ganitong teleserye, pero siya na rin ang nagte-turn down.

“Wala na sa showbiz ang focus niya, e. Mas businessman na siya ngayon kaya pati ang career ko ay business na rin niya.

“Ang maganda ay pareho kaming productive at nagtutulungan kami mag-asawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN