James Reid on drunken incident involving Enrique Gil and other Kapamilya stars: “I was asleep.”

According to James Reid, he was asleep when the commotion between Enrique Gil, Luis Manzano, Liza Soberano, and Jessy Mendiola happened during their trip on the way to London for their ASAP Live In London show.


“I was asleep.”

Ito lang ang tanging nasabi ng On The Wings of Love actor na si James Reid nang tanungin tungkol sa insidenteng naganap sa pagitan ni Enrique Gil at iba pang Kapamilya stars habang lulan ng eroplano papuntang London noong September 4.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

May nakarating kasing balita sa PEP na kahilera ni James at ng kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre ang mga upuan sa eroplano nina Enrique, Jessy Mendiola, Liza Soberano, at Luis Manzano.

Ito rin ang source na nagbigay ng impormasyon sa PEP ukol sa nangyaring pagwawala ni Enrique sa loob ng eroplano.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si James sa Candy Fair 2015, sa MetroTent Metrowalk, Pasig City, kahapon, September 12.



SUPPORTIVE BROTHER. Ano naman ang masasabi ni James dahil mukhang sumusunod sa kanyang yapak ang nakababatang kapatid na si Jack?

Kahapon sa Candy Fair ay rumampa si Jack bilang bahagi ng bagong roster ng Candy Cuties na na-feature sa September issue ng Candy Magazine.

Look: Look who's the new Candy Cutie favorite: his name is Jack and he's James Reid's brother!

Saad ng 22-year old actor-singer, “I’m just really proud of my own brother. It’s his first time doing [things] like this.”

Ayon kay James, kinailangan pa niyang kumbinsihin si Jack para mapasama sa Candy Cuties.

“I had to convince him. He didn’t want it at first because it’s very new for him... these kinds of stuff.”

MTV NOMINATION. Samantala, nakatanggap ng nominasyon si James sa 2015 MTV Europe Music Awards.

Isa siya sa mga nominado para sa kategoryang Southeast Asian Act Award; kalaban ang lima pa mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Singapore.

Ang katambal naman niyang si Nadine ay may pag-asa ring makapasok sa mga nominado kapag siya ay nanalo sa wildcard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: James Reid nominated in 2015 MTV Europe Music Awards; Nadine Lustre has chance to make it as wildcard nominee

Ayon sa Viva artist, “I’m really proud to be representing the Philippines, so many blessings.”

Malaki rin ang pasasalamat ni James sa mainit na pagtanggap sa una nilang teleserye ni Nadine na On The Wings of Love, na napapanood sa ABS-CBN gabi-gabi.

“Maraming salamat sa lahat ng nanonood ng On The Wings of Love. Really.

“I feel so happy with the show.

“I mean, every night, trending kami sa Twitter, number one worldwide.

“So I’m very happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN