Enrique Gil asks LizQuen fans and netizens to stop bashing

Enrique Gil on his drunken incident: “Actually, yung mga tao, hindi nila talaga alam yung story. Ang daming write-ups na lumalabas na really add to what really happened that night, they don’t really know. Sa akin lang, tama na, tapos na.”


Gumaan daw ang pakiramdam ni Enrique Gil pagkatapos niyang magbigay ng public apology sa panayam sa kanya ng TV Patrol noong Biyernes, September 11.

Ito ay may kinalaman sa panggugulo niya sa eroplano, sa biyahe ng Kapamilya stars papuntang London, dahil sa sobrang kalasingan.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”

Iyon na rin daw ang una at huling statement na gagawin niya kaugnay ng isyu.

“I feel good!

“Yun ang last statement ko, yun na yun, that’s the last thing.

“I’m just happy… thank you sa lahat.

“Sa lahat ng fans, sa lahat ng sumusuporta, maraming-maraming salamat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enrique sa 9th Star Magic Ball noong Sabado, September 12.

Pero sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin, patuloy pa rin ang pambabatikos na natatanggap ng iba pang artistang nasangkot sa insidente.

Partikular na si Jessy Mendiola na bina-bash diumano ng fans ni Enrique at ka-loveteam nitong si Liza Soberano (LizQuen).

Dahil dito ay umalma ang ina ni Jessy na si Mrs. Didith Gardiva at nagbantang maghahain ng reklamo laban kay Enrique kapag hindi tumigil ang fans nito sa pamba-bash sa kanyang anak.

Read: Jessy Mendiola’s mom threatens to file a case against Enrique Gil; tells his fans, "You guys want it this way, we will give it your way."


Hiningan namin ng reaksiyon si Enrique tungkol dito.

Pakiusap ng 23-year-old actor, “Stop na lang po yung pamba-bash.

“Tama na po, tama na.

“Actually, yung mga tao, hindi nila talaga alam yung story.

“Ang daming write-ups na lumalabas na really add to what really happened that night, they don’t really know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin lang, tama na, tapos na.”

Tiniyak din ni Enrique na wala silang problema nina Jake Cuenca at Paulo Avelino, na itinuturong nagpainom daw sa kanya sa eroplano.

Sabi niya, “Okay naman, I’m good with everybody.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN