Jessy Mendiola and JM de Guzman's relationship on the rocks?

An excerpt from Jessy Mendiola's cryptic September 12 Facebook post: "I wanted to create happy memories with you. But you chose to believe in your own reality. You believed them. You chose this. You chose sadness over happiness."


Naging sentro ng espekulasyon ang hindi pagdalo ng magkasintahang sina Jessy Mendiola, 22, at JM de Guzman, 27, sa ginanap na Star Magic Ball noong Sabado, September 12.

Kasunod ito ng kinasangkutang kontrobersiya ni Jessy, kung saan nakaranas diumano ito ng pambabastos mula sa kapwa-Kapamilya star na si Enrique Gil.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Nabigo ang fans nina Jessy at JM na umasang dadalo sila sa Star Magic Ball, lalo pa’t inaabangan kung paano haharapin ng magkasintahan ang kinasangkutang kontrobersiya ng aktres kamakailan.

Kasabay nito ay lumutang ang usap-usapang tila nagkakaproblema ang relasyon nina Jessy at JM sa hindi pa malamang dahilan, base na rin sa comments ng Instagram followers ng aktor.

Sa Facebook post ni Jessy noong Sabado, September 12, tiyempong naglabas ang aktres ng saloobin tungkol sa tila pang-iiwan sa kanya sa ere ng isang di pinangalanang personalidad.

Kapansin-pansin din ang pagbanggit ni Jessy sa naudlot niyang pangarap na makapiling at makasayaw sa isang “red carpet” event ang hindi natukoy na personalidad, dahil pinili umano nitong paniwalaan ang ibang tao.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Jessy, pasado alas-sais ng gabi noong Sabado, September 12:

“All I wanted was dress up and walk that red carpet with you.

"I wanted to have fun with you, have a few drinks and dance with you until our feet hurt.

"And finally when we stop dancing, we'll look at each other, smiling with twinkle in our eyes, hearts beating so fast and know that we will never forget this night.

“That wonderful magical night.

"That night, when we forgot everything else around us and had our own little party in a world where superficial people partied too.

“Thinking about it makes my heart sink.

"I had that dream. That dream with you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanted to create happy memories with you.

"But you chose to believe in your own reality. You believed them.

"You chose this. You chose sadness over happiness.

"All I wanted was to dance with you.

"So I guess, I'll just dance alone for now, in my own quiet little world.”

Hindi malinaw kung si JM ang pinatutungkulan ni Jessy sa kanyang Facebook post, at kung may kinalaman ito sa kinasangkutang kontrobersiya ng dalaga kamakailan.

Kapansin-pansing hindi rin gaanong nagpo-post ng couple photos lately ang magkasintahan, maliban sa birthday greeting ni Jessy kay JM noong September 9.

ENRIQUE'S APOLOGY TO JESSY AND JM. Samantala, matatandaang nagbigay na ng public apology si Enrique kaugnay ng paglalasing at panggugulo kay Jessy at ilan pang Kapamilya stars, habang lulan ng eroplano patungong London noong September 4.

Sabi pa ni Enrique sa isang bahagi ng kanyang panayam noong September 12:

"I sincerely apologize to Jessy, to JM, if ever I offended them in any way. I’m sorry. Yun lang po…”

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: "The first and last time this will ever happen."

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag sina Jessy at JM hinggil dito.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag o paglilinaw na magmumula kina Jessy at JM hinggil sa isyung ito na kinasasangkutan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN