Cristine Reyes engaged to non-showbiz boyfriend Ali Khatibi

Cristine Reyes announces engagement to Ali Khatibi after more than two years of being in a relationship.


Pormal nang inanunsiyo ni Cristine Reyes na engaged na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Ali Joshua Khatibi.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, September 14, ibinahagi ni Cristine ang larawan ng engagement ring niya.

Makikita rin sa naturang larawan na magkahawak-kamay sina Cristine, Ali, at ang kanilang pitong-buwang-gulang na anak na si Amarah.

Kalakip nito ay isang maiksing caption kung saan sinabi ni Cristine ang katagang "engaged."

Engaged 💍👨‍👩‍👧😍 @AliJoshua ❤️💖💛💜💚💙

A photo posted by twitter: @_cristinereyes_ (@queencristinereyes) onSep 13, 2015 at 10:33pm PDT

Matatandaang July 2014 nang unang isapubliko ni Cristine ang tungkol sa mahigit isang taon na niyang pakikipag-date sa isang non-showbiz guy, na ayaw pang pangalanan ng aktres noon.

Bandang Nobyembre noong taon ding iyon ay kinumpirma ni Cristine na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ng Filipino-Iranian boyfriend na si Ali Khatibi, na kilala sa pagiging mixed martial arts competitor.

February 8 nang isilang ni Cristine ang anak nilang si Amarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN