Jasmine Curtis-Smith on Brian Poe Llamanzares: "He’s someone I can see myself being friends with... I don’t wanna go deeper than that.”

Jasmine Curtis-Smith on her ex Sam Concepcion being linked to Brian Poe Llamanzares's ex Myrtle Sarroza, “If you want to paint a different picture, go ahead. That’s their life, I don’t know what’s happening there... it’s not my business, so I’d rather stay out of it.”


Bukas naman daw si Jasmine Curtis-Smith na maging kaibigan ang mga lalaking nagkakainteres na manligaw sa kanya.

Isa na nga rito si Brian Poe Llamanzares, na naging vocal sa paghanga at pagnanais na maligawan ang dalaga.

Pero para kay Jasmine, hanggang pagiging kaibigan pa lang talaga ang kaya niyang ibigay sa anak ni Senator Grace Poe.

Saad niya, “Gusto ko rin naman po silang maging friends. If ever willing silang maging friends, game ako.

“Brian is really an intelligent guy.

"Nakausap ko naman siya and he’s someone I can see myself being friends with.”

Pero sabi rin ni Jasmine, “I don’t wanna go deeper than that.”

Hindi rin naman daw sila masyadong nagkakausap o nagkakapalitan ng text messages ni Brian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa Valencia Events Place, kung saan ginanap ang presscon ng bago niyang pelikula sa ilalim ng Regal Films at Reality Entertainment, ang Resureksyon. Ipapalabas ang nabanggit na pelikula sa September 23.



NO EXPECTATIONS. Naging biruan na noong presscon ng My Fair Lady ay nagpahayag si Brian ng kanyang intensiyon na ligawan si Jasmine, at sa presscon naman ng Resureksyon nangyari ang tila pambabasted nito sa binata, base sa statement ng aktres.

“Well, I wouldn’t say… but we’re friends,” reaksiyon ni Jasmine.

At naiintindihan naman daw siya ni Brian.

“He understands where I’m coming from.

“He knows that I’m very, very busy and we both know naman our priorities.

“And just to avoid any conflict from his end and from my end, nag-usap naman din kami.

“From the very beginning, he was very clear that he just wanted to meet me.

“At the end of the day, goal achieved… he knows naman not to expect, I think.”

Hindi lang naman daw si Brian ang nagpapakita ng interes kay Jasmine simula nang mapabalitang single na siyang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nga raw ang manliligaw niya ngayon.

“Sakto lang, I really don’t have enough time even with friends, I hardly have time to see them.

“Like I’ve said, I don’t wanna be a half-hearted person.

“Magpaasa ng tao or paasahin ko yung sarili ko sa something na hindi ko naman mabibigyan ng oras.”

Pasubali pa ni Jasmine, “Wala naman pong nanliligaw. Everyone around me are my friends, sila lang naman ang nakakasama ko.”

Pini-friendzone niya?

“Wala naman pong ganung kailangang mangyari, gets naman po ako ng mga nakapaligid na tao.

“And I don’t put myself in a situation that I have to do that.”



SWITCHEROO. Ano ang masasabi ni Jasmine na nang mag-break sila ni Sam Concepcion ay marami palang naghihintay na ligawan o pormahan siya.

Tugon niya, “E, ganun naman po talaga kapag single ang isang tao, there are options.

“Siyempre, when you’re committed to one person, yun lang talaga ang pagbibigyan mo ng oras.

“And, I guess, that’s how you’ll see how much others respect you.

“Obviously, Sam and I are respected well enough na walang nakisawsaw sa relationship namin.”

And dating karelasyon ni Brian na si Myrtle Sarroza ay nali-link naman ngayon kay Sam. May comment si Jasmine?

“Palitan?” ang natawang sagot nito. “What do you expect?

“In this industry, people will have to work with each other eventually. It just depends on how professional you’ll take that.

“If you want to paint a different picture, go ahead.

“Pero kung wala naman talagang nangyayari, there’s nothing to worry about and why should there be?”

“That’s their life, I don’t know what’s happening there... it’s not my business, so I’d rather stay out of it.”

Ayon pa kay Jasmine, magkaibigan pa rin naman daw sila ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“We have to talk to each other as well, we have work. Awkward naman siguro kung nag-i-snub-an kami, di ba?”



SISTER ACT. Pagdating sa naging breakup nila ni Sam, maagap si Jasmine sa pagsasabing huwag na lang daw itong pag-usapan.

Pero aminado siya na may mga natutunan siya sa naging relasyon nila ni Sam.

“Of course, a lot,” saad naman niya, “I learned a lot about how to get to know a person.

“How much effort and time you put in for someone you’re interested in.

“That’s why, right now, I know hindi ko kaya, kasi I know how much an investment it is.

“Parang it’s a lot. And right now, I want to invest it on myself."

Nabalitaan din ng kanyang ate na si Anne Curtis ang mga bagong kaganapan sa kanya ngayon, kabilang na nga ang naging pagpapahayag ng paghanga sa kanya ni Brian.

May naging payo ba ito sa kanya?

“The thing is, ilang weeks na kaming hindi nagkikita ni Ate since we’re so busy with work.

“Medyo hindi kami nagkaka-update-an sa isa’t isa. Kung kailan gising yung isa, tulog naman ako.

“So parang feeling ko nga, nalaman na niya yung mga nangyayari sa akin.

“My mind is really on work right now, I haven’t had time to see friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN