#JamesReidOnPEPTalk: James Reid thankful to Nadine Lustre for being part of his successful comeback

Inihayag ni James Reid sa eksklusibong panayam nito sa PEPtalk na eksperimento lamang ang tambalan nila ni Nadine Lustre noon. Hindi raw niya namalayang nag-click na pala sila sa mga tao kaya naman malaki ang pasasalamat niya na malaking tulong sa kanyang comeback ang pagpareha sa kanila ng aktres.


Malaki ang pasasalamat ni James Reid na suportado ng viewers ang On the Wings of Love (OTWOL) nila ng ka-loveteam na si Nadine Lustre.

Nagti-trending gabi-gabi ang bawat episode ng OTWOL at pinag-uusapan lagi ng netizens sa iba’t ibang social media platforms ang mga nakakakilig nilang eksena.

Saad ng 22-year-old actor, “I’m very, very happy.

“Very grateful.”

Sa tinamong kasikatan ng kanilang loveteam na tinatawag na ring #JaDine, sinabi ni James na nakakataba ng puso ang suportang ibinigay sa kanya ng fans na hindi niya naranasan noon pagkatapos niyang manalo sa Pinoy Big brother Teen Clash, taong 2010.

Taong 2012 nang lisanin ni James pansamantala ang showbiz. Pero plano naman daw niya noong bumalik.

Aniya, “Ang plano ko po is talagang... make a comeback, pero hindi ko in-expect na this big, this powerful.”

Aminado naman si James na isang malaking factor sa tinamo niyang kasikatan ay nang mapareha siya kay Nadine.

Taong 2014 nang ipinalabas ang pelikulang Diary ng Panget kung saan inilunsad ang kanilang loveteam na pumatok naman sa takilya.

Sabi ni James, “I didn’t make it without Nadine.”

Ibinahagi rin ni James na experiment lamang ng Viva Entertainment ang pagpareha sa kanila.

Nakangiti pa niyang sabi, “'Ayun, nag-click kami.”

Bukod sa kilig sa kanila ni Nadine, ikinuwento rin ni James ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya at mga qualities na hinahanap niya sa isang babae.

Abangan si James sa isang exclusive interview para sa PEPtalk, sa darating na Miyerkules, September 16.

(The writer/PEPTalk host with James Reid during the taping of the episode which will hit online come September 16. Photo by Arniel C. Serato)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN