Ellen Adarna gets bashed for ditching Ejay Falcon for Paulo Avelino at Star Magic Ball

Umani ng pangungutya mula sa netizens ang ginawang pag-iwan ni Ellen Adarna sa ka-date niyang si Ejay Falcon sa 9thStar Magic Ball noong Sabado, September 12. Tila nabastos daw kasi ng aktres si Ejay na siya pang nag-imbita sa kanya sa Ball, dahil kay Paulo Avelino raw nakipagkuwentuhan ang sexy actress sa party at nakuhaan pa na magka-holding hands ang dalawa.


Maliban sa maningning na mga bituin at mga bonggang kasuotan sa 9th Star Magic Ball noong Sabado, September 12, naging usap-usapan din ang pagdalo ng sexy actress na si Ellen Adarna nang lasing.

Dumating si Ellen sa event, na ginanap sa Grand Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel, kasama ang ka-date at co-star niya sa Pasion de Amor na si Ejay Falcon.

Sweet na sweet pa nga ang dalawa nang rumampa sila sa red carpet.

Pero pagdating sa ballroom, iniwan na ni Ellen si Ejay, at ang kalambingan na nito ay ang aktor na si Paulo Avelino.

Sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, September 14, mukhang na-bad trip daw si Ejay sa ginawang ito ni Ellen.

Nakuhanan pa ng kamera na magka-holding hands sina Ellen at Paulo.



“AND THEN YOU DITCHED HIM.” Dahil dito, inulan ng batikos ang sexy actress sa kanyang Instagram post na kuha sa Star Magic Ball.

Sa caption, nagpasalamat si Ellen sa pag-imbita ni Ejay sa kanya.

Aniya, “Last night. I pretended i was so glamours and it was fun.... because im not glam in real life. Haha. #buhaycowboy Thanks @ejaythefalcon for inviting me. It was amazing 😊 #effort sa pa demure haha thanks @poshnails_ 💄”

Bumuhos agad ang mga komento sa naturang post ni Ellen.

Isa sa kapansin-pansin ay ang komento ng kapwa niya Kapamilya talent na si Isabelle Daza: “And then you ditched him.”

Pero kaagad itong binura ni Ellen.

Kagabi, September 14, matapos ang ulat sa TV Patrol, umani ng masasakit na salita si Ellen mula sa kanyang followers na nakikisimpatiya kay Ejay, na siyang nag-imbita sa kanya pero kanyang iniwan.

Naghayag ang karamihan ng pagkainis nila kay Ellen dahil sa ginawa niya kay Ejay.

Narito ang ilan sa mga komento ng followers ni Ellen sa Instagram:

Sa kabilang banda, may ilan din namang nagsasabing huwag munang husgahan si Ellen sa kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga komento sa naturang post ni Ellen habang isinusulat ang artikulong ito.



EJAY: DO NOT JUDGE ELLEN. Samantala, umapela naman si Ejay sa netizens na huwag husgahan kaagad si Ellen.

Sabi ni Ejay sa kanyang Instagram post: “Pls dont judge her. She's an amazing date. Nagenjoy ako kasama siya. Wala rin namang problema na makipagusap siya sa mga malapit nya rin na kaibigan. Party naman yun so natural lang na maginteract sa ibat ibang tao:) Happy at thankful pa rin ako na pumayag siya maging date ko. I wouldnt change a thing ☺️”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN