Piolo Pascual’s advice to fellow Kapamilya stars involved in plane incident: "Be responsible for your own actions."

Piolo Pascual on the importance of good behavior: "We just have to be aware of what we do, especially now with the emergence ng video sa phone, CCTV. Common sense. And be responsible for your own actions."


Nagpahayag ng pag-aalala si Piolo Pascual sa kapwa niya Star Magic artists na sangkot sa eskandalo sa loob ng eroplano papuntang London kamakailan.

Mainit pa ring pinag-uusapan sina Enrique Gil, Jessy Mendiola, Liza Soberano, Luis Manzano, Paulo Avelino, at Jake Cuenca na naugnay sa kontrobersiya.

Read:Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Kasama si Piolo sa Star Magic artists na nagtanghal sa London noong nakaraang linggo.

May napansin ba siyang kakaibang kilos mula sa mga kasamahan niyang artista?

“Iba-iba po kasi kami ng kuwarto, e. Wala, ni hindi ko alam yung nangyayari, e!” medyo natawang sabi ni Piolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng latest movie niyang Silong.

Bakit hindi alam ni Piolo ang nangyari sa loob ng eroplano?

Aniya, “Pinag-uusapan nila.

"Pero parang ako, we were too busy with what we had to do.

"We have two shows, so parang, 'Mamaya na ‘yan. Saka na ‘yan.'

“So, even sa Star Magic [Ball], I don’t think it was even talked about, wala.”



OPINION ON INCIDENT. May gusto bang ipahayag si Piolo sa mga sangkot sa insidente, bilang maituturing na senior siya ng mga ito?

Saad niya, “We just have to be aware of what we do, especially now, with the emergence ng video sa phone, CCTV.

"Common sense. And be responsible for your own actions

"Bottomline, you have to realize your responsibilities as a personality.

"You know, we have a social responsibility and we have to be aware of our actions, as simple as that.

"Our actions have repercussions."

Binibigyan din ba niya ng ganyang advice ang anak na si Iñigo Pascual?

Sagot ni Piolo, “He knows it, and of course, I tell him.

"I constantly tell him. You know, you have to, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag hindi mo iano, minsan malu-lure siya, di ba?

"So, you just have to be there and, you know, hindi ka magsasawang magbigay ng advice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN