Janice de Belen on working with Priscilla Meirelles: “Bakit naman magiging big deal yun?"

Janice de Belen on harmonious working relationship with Priscilla Meirelles, her ex-husband John Estrada's current wife: “Hindi nga exciting. Mas exciting pa yung traffic sa EDSA.”


Natatawa si Janice de Belen dahil parang big deal daw ang pagsasama nila ni Priscilla Meirelles sa teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady.

Si Priscilla ang asawa ngayon ng dating mister ni Janice na si John Estrada.

Ito ang unang pagkakataong magkakatrabaho sina Janice at Priscilla.

Pahayag ni Janice tungkol sa pagsasama nila ng Brazilian beauty queen, “It’s a working relationship.

"Hindi naman kami super friend, pero hindi kami magkaaway. Walang rason para maging magkaaway kami.

“Di ba, hindi ko maintindihan kung bakit siya big deal?”

Hindi ba 'big deal' ang koneksiyon nila ni Priscilla dahil kay John?

Natatawang sagot ni Janice, “Bakit naman magiging big deal yun? Hindi naman kailangan.

"Wala naman kaming problema nang mag-work kami."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa set ng Be My Lady sa Clark International Airport, Angeles City, last week.

NO SECOND THOUGHTS. Mas natawa si Janice nang tanungin kung hindi siya nailang sa mga eksena nila ni Priscilla sa teleserye.

“Hindi ko masasagot ang tanong na ‘yan, siya ang makakasagot niyan.”

Dugtong ng aktres, “Alam niyo, sobrang dami naming sequences for the day, so hindi ko na napapansin ang mga bagay-bagay.”

May sampalan scene ba sila ni Priscilla?

“Hindi exciting,” pagpapauna ni Janice.

Harmonious ba ang working relationship nila ni Priscilla?

“Oo naman, hindi nga exciting. Mas exciting pa yung traffic sa EDSA,” biro ni Janice.

Hindi raw nagdalawang-isip si Janice nang malamang makakatrabaho niya si Priscilla sa Be My Lady.

“Sabi ko nga sa Kris TV, since everybody wants to make a big deal out of it, wala na, matagal na kaming hindi mag-asawa ni John nang maging sila [ni Priscilla].”

Ayon kay Janice, 15 taon na silang hiwalay ni John.

“Hindi na rin siya isyu talaga.

"In fact, kahit pa siguro si Vanessa [del Bianco, John’s former girlfriend], okey na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami nang taon ang lumipas."

Okey rin daw ang relasyon nina Janice at John ngayon at mas nakakapag-usap sila.

“Mas okey compared before. But, of course, we’re not super friends.

"Kahit malalaki na ang mga bata, may mga bagay na kailangang pag-usapan, so yun na lang."



MOMMY ROLES. Halos hindi nababakante sa paggawa ng mga teleserye sa Kapamilya network si Janice.

Siya ang gumaganap na nanay ng bidang si Erich Gonzales sa Be My Lady.

Paano naiba ang pagiging nanay niya rito kumpara sa iba niyang teleserye?

“Lighter siguro than Budoy, Ina Kapatid Anak, Honesto, at lighter pa siguro than Oh My G!” sagot ni Janice.

Natawa pa niyang pahayag, “You know why, I think the reason why I get these mommy roles...

"Bakit nga ba, para siguro... ewan ko, mommy siguro ako ng bayan.

“Parang natutuwa sila. Ang daming gustong magpaampon sa akin.”

Sa tingin ni Janice, nakikita sa kanya yung pagiging natural ng isang ina.

Marami pa raw siyang hindi nakakatrabahong Kapamilya stars. Isa na rito si Erich, na makakasama ni Janice sa unang pagkakataon dito sa Be My Lady.

“One day pa lang naman kaming nagkakasama. Okey naman.

“Si Daniel [Matsunaga, boyfriend ni Erich na kasama din sa Be My Lady], hindi ko pa nakakasama.

"Ang nakasama ko yung batang Daniel.

“Actually, yung story niya, light, pero nakapag-drama na rin naman ako ng ilang beses.

"Pero siguro, hindi ito yung pag-upo mo, maiiyak ka agad.

"May ganun, di ba? Yung pag-upo mo, alam mong iyakan.

“Ito, pag-upo mo, hindi mo pa agad mararamdaman. Darating lang ang tears naturally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN