Star Magic artist Kitkat dreams of joining Eat Bulaga!

Kitkat on her dreams of joining Eat Bulaga!: “Sino ba naman ang hindi nangarap mapunta sa Eat Bulaga? Hindi pa ako ipinapanganak, may Eat Bulaga na, e."


Aminado ang Star Magic comedienne na si Kitkat na pangarap niyang makasali sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga! magmula noong bata pa siya.

Kaya naman apat na beses siyang sumali noong bilang "Little Miss Philippines" contestant.

“Sino ba naman ang hindi nangarap mapunta sa Eat Bulaga? Hindi pa ako ipinapanganak, may Eat Bulaga na, e,” saad ni Kitkat nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, September 13, sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City.

Ilang taon si Kitkat nang sumali sa Little Miss Philippines?

Kuwento niya, “Six years old ako, pero apat na beses akong sumali doon, e.

"Noong una ay nakapasok ako sa grand finals, pero hindi ako nakapunta dahil tinigdas ako.

“Sumunod na season, sumali ulit ako, pero natalo ako.

“Dati, hanggang six years old lang ang puwedeng sumali doon, pero kahit seven or eight years old na ako, sumasali pa rin ako."

Gustung-gusto raw talaga ni Kitkat na maging Dabarkads.

Saad niya, “Parang feeling ko kasi, sa Eat Bulaga, kapag napunta ka diyan, habang buhay na, e, hindi ba?

“Iyong kahit nag-asawa ka, buntis ka, nanganak ka na or ano, lolo ka na, andiyan ka pa rin!”

Alam daw ng Eat Bulaga! mainsay na si Ryzza Mae Dizon na sumali si Kitkat sa Little Miss Philippines.

Kaya sinabihan daw siya ni Ryzza na, “Kaya po pala hindi kayo nananalo, kasi nandaraya kayo, e.”

Dagdag ni Kitkat, “Eto ang nakakatuwa... nag-guest ako sa The Ryzza Mae Show, tapos sa Eat Bulaga.

“After that, nakuha na nila ako para sa Princess in the Palace.

"Hindi kasi nila alam na puwede ako lumabas sa kanila.”



ON HER NEW SHOW. Ang Princess in the Palace ang upcoming daily drama series na pagbibidahan ni Ryzza at ipalalabas sa GMA Network simula sa September 21.

Nabanggit din ng singer-comedienne kung gaano siya kasaya sa pagkakasali sa Princess in the Palace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-excite every time na may taping.

"Nakakatuwang at ease agad ako sa mga staff at sa mga kasama ko kahit bago ko pa lang silang nakasama at mga nakilala.

“Kahit kay Direk Mike [Tuviera], noong una, siyempre natatakot ako.

“Pero sa una pa lang eksena na kasama ako, nakabiruan ko na.

“Lagi pa ako niloloko na pipi raw ako at walang energy.

"Kasi ang daldal ko masyado at any time of the day ay full of energy ako.”

Ano ang role ni Kitkat sa Princess in the Palace?

“Si Eula Valdes ay president ng Pilipinas.

"Ako ang secretary niya na kapag nagsalita na ang presidente ng Pilipinas, namamali-mali ako.”

Ano ang papel ni Ryzza sa seryeng ito?

“Secret pa sa ngayon.

“Iyon ang dapat nilang abangan sa September 21 na magsisimula na ito.

“At tamang-tama dahil sa September 23 ay birthday ko na.

"Magandang birthday gift itong show na Princess in the Palace at yung bahay na binili ko.”

Pinuri rin ni Kitkat ang pambatong child star ng Eat Bulaga.

“Napakagaling na bata ni Ryzza Mae.

"Kapag kausap mo siya, akala mo totoo iyong Aling Maliit. Akala mo matanda iyong kausap mo.

“Nakakatuwa talaga siya na bigla ka na lang matatawa na parang mababatukan mo siya dahil sa mga sagot niya sa iyo.

“Super talented talaga ang batang iyan.”


MMFF ASPIRATIONS. Ipinagdarasal naman ni Kitkat na makasali siya sa 2015 Metro Manila Filmfest (MMFF) movie nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na pinamagatang My Pabebe Love.

“Ewan ko ba. Sabi ko nga’y nag-Little Miss Philippines ako sa Eat Bulaga noon, ha, and lahat yata ng mga bata ay pangarap makasama si Bossing.

"Kasi, hindi ba, Bossing Vic na, Ai-Ai pa, at Metro Manila Filmfest pa?

“E, isa pa lang nagagawa ko sa MMFF, ZsaZsa Zaturnnah lang. Kaya matagal na, e.

Puring puri ni Kitkat si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ai-Ai, ate-ate ko siya, e.

“Natutuwa ako sa kanya na noong nagsisimula pa lang ako, hanggang ngayon, hindi nabago iyong tingin niya sa akin.

“Iyong sobrang warm siya na kapag nagkikita kami, tatanong niya sa akin, ‘Kumusta ka na, may bago ka bang ipinagawa [retoke] ngayon?’

"Iyong kahit hindi kami ganoon ka-close, pero kapag nagkita kayo, warm siya at alam mong welcome ka sa kanya."

Ibinahagi rin ni Kitkat ang iba niyang pangarap.

“Dahil singer ako, gusto kong ma-establish ang talent ko as a singer.

“Na kunwari napunta ako diyan, puwede ko i-request na sana ay pakantahin ako.

"O kahit sa Sunday Pinasaya, dahil sa kanila [GMA] rin iyon, e.”

Nahirapan ba si Kitkat na sabihin sa Star Magic ang tungkol sa bago niyang show sa GMA?

“Hindi naman. Kasi lalo na ang pinaka-reason ko, bumili ako ng bahay.

"So, hindi ako puwedeng mapahinga sa trabaho.

“Kailangan may pambayad ako sa monthly amortization.

“Kaya kahit maglabada at magplantsa, tatanggapin ko!” natatawang wika ni Kitkat.



BREAST AUGMENTATION. Naungkat din ang planong pagpapadagdag niya ulit ng boobs.

“Naalala ko yung sabi ni Manay Lolit [Solis] na, ‘Sa lahat ng retokada, si Kitkat ang pinakamaganda!’

“Ang pinaayos ko lang naman ay ilong at boobs, nagpa-lipo, wala na.

"Malaki na kasi ang puwet ko kaya hindi na kailangang iretoke."

Hind ba nag-aalala si Kitkat na magkaroon ng side effect ang ipinagawa niya, tulad ng nangyari sa ibang artista?

Sagot niya, “Noong unang panahon pa yata iyong sa kanila, e.

"Isa pa, kasi Belo ito, e, siyempre ay trusted na iyon, e.

"Kaya safe talaga. Balak ko ngang padagdagan pa ito, e. Kasi gusto ko na mas malaki."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN