Character actress Shyr Valdez calls Alden Richards "the next Dingdong Dantes of his generation"

Shyr Valdez's prediction for Alden Richards: "Alam ko, mas madami pa ang dadating na magagandang opportunities kay Alden because he is equipped with the character of a blessed individual, which is HUMILITY!"


Masaya ang character actress na si Shyr Valdez sa tinatamasang tagumpay ni Alden Richards, na nakatrabaho niya sa dalawang primetime series ng GMA Network—ang Mundo Mo'y Akin (2013) at Carmela (2014).

Nakasama rin ni Shyr sa Alden sa maraming guestings, na ang most recent ay yung sa SAF44 episode ng Wish Ko Lang.

Inilahad ni Shyr ang kanyang saloobin nang makausap namin siya sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

Pahayag niya, “Natutuwa ako sa nangyayari sa career ni Alden with this AlDub [Alden Richards-Yaya Dub] phenomenon.

“I texted him nga the other day and told him, ‘Anak, hindi ako nagkamali nang sinabi ko na ikaw ang next important star of GMA.’

“Ayan na! At hindi naman ako nagtataka na makukuha niya ngayon ang lahat ng ito because napakabait na bata [ni Alden].

"Mabuting tao, magaling na artista, at higit sa lahat, napakabait na anak."



NICE TO FANS. Hindi maubos-ubusan ng magagandang salita si Shyr para kay Alden.

“Isa ako sa pinakamasayang tao para kay Alden at sigurado ako, yung rurok ng kasikatan, makukuha talaga ni Alden.

"Alden Richards is the next Dingdong Dantes of his generation.

“Napakabait din niyan sa fans. Picture, greeting, fansign, lahat 'yan, pag nag-request ka sa kanya, gagawin niya 'yan.

“Minsan, sa dami ng nakikiusap, nahihiya na ako, pero pagbibigyan niya talaga.

“Alam ko, mas madami pa ang dadating na magagandang opportunities kay Alden because he is equipped with the character of a blessed individual, which is HUMILITY!

“I wish him nothing but the best at galing 'yan sa puso ko.

"Ako mismo, fan na fan ni Alden at ng AlDub!"

Ikinuwento rin ni Shyr ang masaya nilang pagsasama ni Alden sa set.

"Alden calls me 'Mommy Shyr,.'

"At pag nalaman niya na may dala akong spicy ddobo, asahan mo iyan ang kakainin niya.

"Kaya madalas, pag alam kong kasama ko si Alden sa show, nagdadala ako ng spicy adobo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HAPPY WITH LIFE. Sa kabilang banda, wala na raw halos maihihiling pa si Shyr sa kanyang career at personal na buhay.

Aniya, “Hindi ako nawawalan ng trabaho.

"Maayos, maganda, at stable ang lovelife ko.

“Masaya ako para sa mga anak ko. Dalawa na lang ang college ko.

“Raphael is taking up Masscom. Gabriel is taking up Architecture.

“May apo na din ako because my eldest is married now, with a one-year-old son, Miggy.

“After her college graduation, Angel [Shyr’s daughter] worked and is presently connected with one of our most prestigious hotels in Manila as the Executive Assistant to the General Manager of Solaire [Resort & Casino].

“Her husband is a pilot.

“I'm definitely happy with the way things are and I'm grateful to God.

“I'm also very happy with the few good friends I have in and outside showbiz.

"My close circle of friends are the type of friends you know that are for keeps.

“And all of them have been proven and tested.

“They may not be many, but I know they are real.

“In showbiz, sabi nila mahirap humanap ng totoo [na tao], pero masuwerte ako because the closest sa akin na mga artista ay mga totoo.”



CURRENT PROJECTS. Ano naman ang mga pinagkakaabalahan niyang mga proyekto?

Ayon kay Shyr, “I have a movie that will be shown, which is Like Father Like Son, with Benjie Paras and JM de Guzman.

"I'm doing my second theatrical play entitled Pedro.

“I just finished Half Sisters and, right now, busy muna ako sa guestings.

"Most recently, [I guested in an episode of] Magpakailanman.


"This stars Boobay, Michael de Mesa, and Arny Ross, etc."

Ipalalabas ang naturang episode ngayong Sabado, September 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN