Joey de Leon on Eat Bulaga! and It's Showtime rivalry: "After 36 years, wala ka nang pressure, all pleasure na."

Joey de Leon unfazed by pressure to keep Eat Bulaga! a consistent toprater on TV: "Hindi namin pinapansin, 'yan, e. Basta kami, sige nang sige."


Hindi isyu para kay Joey de Leon ang mas matinding kumpetisyon sa pagitan ng kanilang programang Eat Bulaga! at ang katapat nitong It's Showtime.

Ito ay sa kabila ng labanan pagdating sa TV ratings at pagiging trending topic ng daily noontime shows ng GMA Network at ABS-CBN.

“Hindi namin pinapansin, 'yan, e. Basta kami, sige nang sige.

“O, ang bilis. Yung sa amin, two million; sa kabila, hanapin mo na lang,” pahayag ni Joey matapos silipin ang Twitter mentions ng hashtag ng Eat Bulaga! ngayong Martes, September 15.

#ALDUBForTALKNTAEXT ang hashtag ng Eat Bulaga!, samantalang #ShowtimePastillas naman sa It's Showtime.

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey pagkatapos ng presscon proper ng CelebriTV, na ginanap sa GMA Studio 7 dining hall ngayong araw.

Malaki ang pasasalamat ni Joey sa mataas na TV rating na nakukuha ng Eat Bulaga!, dahil sa Kalyeserye segment na pinagbibidahan ng sikat na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub).

Ayon sa ulat ng AGB Nielsen Philippines, ang September 5 episode ng Eat Bulaga! ang nakakuha ng pinakamataas na TV rating para sa taong 2015. Nagtala ito ng 39.5%.

Umani rin ang naturang episode na may hashtag na #AlDubFORACAUSE ng mahigit limang milyong Twitter posts.

Read: AGB Nielsen Mega Manila Ratings (Sept 4-6, 2015): Eat Bulaga! holds 9 out of 10 highest rated episodes in 2015 due to AlDub phenomenon


Reaksiyon dito ni Joey, “Uy, salamat. Mahabang istorya 'yan, e.

"Yung nangyaring panibagong ngiti mula sa Eat Bulaga!, dahil dun sa Kalyeserye.

"At ang iinterbyuhin ko, yung sarili ko, kasi ako lang yung makakasagot nun, e."

Sa huli, muling iginiit ni Joey na hangga't maaari ay hindi siya nagpapadala sa pressure na maging consistent toprater ang kanilang programa.

“After 36 years, wala ka nang pressure, all pleasure na,” nakangiting pagtatapos ng veteran comedian-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN