Joey de Leon posts cryptic messages about copying

Tila nagpahaging ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa katapat na programa ng Eat Bulaga! sa pamamagitan ng cryptic messages niya sa Twitter.


Pumukaw sa atensiyon ng maraming netizens ang Twitter posts ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon nitong mga nakalipas na oras:

Para sa atin, Show love and understanding pa more. Para sa iba, isip-isip pa more pag may time.#EatBulaga #ALDUBForTALKNTEXT @EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 15, 2015

I HAVE TWO HANDS. THEY ARE THE SAME. THEY LOOK THE SAME, BUT ONE IS...RIGHT.#ALDUBForTALKNTEXT #EatBulaga @EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 15, 2015

WE CAME, THEY SAW, THEY COVER...VERSION! #ALDUB2ndMonthsary #EatBulaga @EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 15, 2015

Film is Art. Theatre is Life. Television is Furniture---You can have another of the same!#ALDUB2ndMonthsary #EatBulaga @EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 15, 2015

The complete 2015 Cherie Gil version:"You are nothing but a second low rating taeng hard capal cap!"#EatBulaga #ALDUB2ndMonthsary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 15, 2015

Wala man direktang sinabi si Joey kung sino o ano ang pinatutungkulan niya, malinaw na may kinalaman sa panggagaya ang mensaheng nais niyang iparating rito.

Kapansin-pansin din sa unang post ni Joey ang paggamit niya nang magkahiwalay ng mga salitang "Show" at "time."

Posibleng pahaging ito ng Eat Bulaga! sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang It's Showtime.

Napansin kasi ng mga manonood na tila tinatapatan o ginagaya ng It's Showtime ang ilang kasalukuyang segments ng Eat Bulaga.

Ang "Clash of Celebrities" o "C.O.C." ng It's Showtime ay tila hango sa "Bulaga Pa More" ng Eat Bulaga, kung saan naglalaban-laban ang celebrities sa pagpapakita ng kanilang talento.



YAYA DUB VS PASTILLAS GIRL. Nito lamang ay itinampok ng It's Showtime si Pastillas Girl, na humingi ng payo sa "Madam Bertud" segment tungkol sa ginawang panloloko sa kanya ng boyfriend niya.

Si Pastillas Girl ay si Angelica Jane Yap, na sumikat sa Internet dahil sa kanyang video kung saan inihalintulad niya sa paggawa ng pastillas ang panloloko sa kanya ng ex-boyfriend.

Ngayon ay hinahanapan ng "Pastillas Boy" si Pastillas Girl, sa pamamagitan ng Twitterserye, sa pag-asang makahanap ito ng panibagong pag-ibig.

Marami ang naniniwala na si Pastillas Girl ang ipinantatapat ng It's Showtime kay Yaya Dub ng Eat Bulaga.

Si Yaya Dub ay si Maine Mendoza sa totoong buhay.

Pagkatapos maging viral ng kanyang Dubsmash videos ay kinuha siya ng Eat Bulaga! para maging bahagi ng "Problem Solving" segment.

Siya si Yaya Dub, ang masungit na tagapag-alaga ni Lola Nidora (Wally Bayola) na idinadaan ang mga sinasabi sa pamamagitan ng pagda-Dubsmash.

Ngunit sa July 16 episode ng Eat Bulaga! ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa istorya ni Yaya Dub at ni Maine mismo pagkatapos makita sa screen ang crush niyang si Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito na nagsimula ang AlDub loveteam na itinuturing na ngayong isang phenomenon.

Mula nang magkaroon ng Kalyeserye ang Eat Bulaga! ay lumayo ang lamang sa ratings ng longest-running noontime show kontra sa It's Showtime.

Sumisira rin ng records sa Twitter ang AlDub hashtags, na ngayon ay hawak ng #ALDUBTheAbuction na mayroong 6.37 million tweets.

Kapansin-pansin naman ang pag-push ng It's Showtime hosts sa hashtag na #ShowtimePastillas, na naging trending topic at umabot sa mahigit 500k tweets.

Pero malayung-malayo ito sa mahigit 2 million tweets para sa hashtag ng Eat Bulaga! na #ALDUBForTALKNTEXT.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN