Dingdong Dantes, Marian Rivera to support Grace Poe's candidacy in 2016 elections?

Dingdong Dantes is reportedly eyeing Senate bid contrary to his previous statements that he has no plan to run for any electoral post in 2016.


Nakatakdang mag-anunsiyo si Senator Grace Poe ng kanyang plano para sa 2016 elections ngayong Miyerkules, September 16.

Pinaniniwalaang dito tutuldukan ng senadora ang espekulasyon patungkol sa kanyang pagkandidato bilang presidente sa May 2016 national elections.

Gaganapin ang inaasahang deklarasyon ni Senator Grace Poe sa Bahay Alumni ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Ito ay sa gitna ng pagkuwestiyon sa estado ng kanyang citizenship sa bansa, na nakatakdang imbestigahan ng Senate Electoral Tribunal sa September 21.

Samantala, magkakaroon ng hiwalay na pagtitipon para sa pag-anunsiyo ni Senator Grace ng pinaniniwalaang makakatambal niya na si Senator Chiz Escudero sa Club Filipino, Greenhills, Taguig City bukas, September 17.

DINGDONG TO RUN AS SENATOR? Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw, nangunguna ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga showbiz personality na naimbitahang sumuporta kay Senator Grace.

Nabanggit din sa naturang ulat na kakandidato si Dingdong bilang senador sa 2016, ngunit hindi sa ilalim ng Liberal Party, na siyang partido ni President Benigno "Noynoy" Aquino III.

Matatandaang isa si Dingdong sa showbiz personalities na kilalang sumuporta kay PNoy na standard bearer ng LP noong 2010 elections.

Ang naiulat na plano diumano ni Dingdong na kumandidato sa 2016 ay taliwas sa pahayag ng Kapuso actor na wala siyang balak sumabak sa pulitika sa 2016.

Makailang-beses ding sinabi ni Dingdong noon na prayoridad niya ang pagbuo ng pamilya, lalo ngayong nagdadalantao ang misis niyang si Marian.

Sabi pa ni Dingdong sa hiwalay na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo, “I’m categorically saying that I’m not running in any electoral post this 2016.”

Read: Dingdong Dantes definite he will not run in 2016 elections

Noong nakaraang taon nagsimula ang espekulasyon tungkol sa diumano’y plano ni Dingdong na sumabak sa pulitika.

Minsan na ring napabilang si Dingdong sa listahan ng Senatoriable Preferences ng Pulse Asia Survey noong September 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa 28-30 ang ranking ni Dingdong, na nakakuha ng 11.1 percent boto mula sa 1,200 respondents sa naturang survey.

Read: Dingdong Dantes on running for the Senate in 2016L "It's not part of my plans right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN