Aiza Seguerra on leave of absence from ASAP due to network war: "I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon."

Aiza Seguerra bears no grudges as she knows only too well the reality in showbiz. She says, "We're not contract artists, we're not exclusive artists... sa hierarchy ng mga artista, medyo kami ang nadi-displace kapag may mga ganitong issues."


Naiintindihan daw ni Aiza Seguerra ang ipinataw na leave of absence sa kanya ng pamunuan ng ABS-CBN para sa Sunday musical-variety show na ASAP.

Ito ay kahit hindi malinaw sa kanya ang rason kung bakit nangyari ito.

Ang duda ni Aiza, ito ay dahil bahagi siya ng cast ng bagong morning teleserye sa GMA na The Ryzza Mae Show Presents... Princess In The Palace.

Mula sa TAPE at APT Entertainment, pagbibidahan ito ng child star na si Ryzza Mae Dizon at magsisimula na sa September 21, Lunes.

Pahayag ni Aiza, "Kumbaga, being in this business long enough, siyempre di na ako magpapaka-plastik.

“Medyo sana hindi, medyo sana hindi kailangan... dahil iba naman yun.

“Pero it's a directive galing sa management that I have to respect.

"I don't hold any grudges against them na they have to do that.

"After all, this is a business, they have to protect their business."

Dagdag niya, "It's not a perfect world... we're not contract artists, we're not exclusive artists.

"Kumbaga, sa hierarchy ng mga artista, medyo kami ang nadi-displace kapag may mga ganitong issues."

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Aiza sa presscon ng Princess In The Palace, na ginanap sa Le Ve Events Place, kahapon, September 15.

NOT BURNING BRIDGES. Hindi naman daw inisip ni Aiza na ito ay isang parusa dahil gumawa siya ng ibang proyekto sa kabilang network.

Diin niya, "I don't wanna think about that.

"Number one, I'm a working actor, I need work.

"Kung ano ang may mag-offer na trabaho sa akin, and TAPE is TAPE [Televison Exponents Inc.], hinding-hindi ko hihindian 'yan."

Si Aiza ay produkto ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime show na ipinuprodyus ng TAPE.

Ayaw raw ni Aiza na 'magsunog ng tulay' kaya tinatanggap niya nang maluwag sa dibdib ang desisyon ng Kapamilya management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng acoustic singer, "I have friends sa kanila.

"Kumbaga, at the end of the day, it's also work.

"I understand, no hard feelings, and I respect the decision."

Buong akala raw ni Aiza, hindi magiging sagabal ang pagsali niya sa teleserye ni Ryzza Mae sa stint niya sa ASAP.

"I thought it's gonna be like that, kasi di nga naman direct competition, e.

"Parang it's a different ano... with what's happening now, you don't know how they think, e.

“That's how it is, alam naman natin na hanggang ngayon ay meron pa ring network thing na nangyayari.

“Especially, I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon.

"So, yeah, I think, they are just protecting themselves.

"And ang sabi lang nila, they they don't want to set a precedent na gawin din ito ng ibang artists sa kanila."

Paano ipinarating ang desisyon na mag-leave of absence muna siya?

Ayon kay Aiza, "Coursed through my manager, Annabelle Borja.

"Na parang, after the London ASAP, ayun, leave of absence muna."



OPTIMISTIC. Sa presscon, nabanggit ni Aiza na sumama ang loob niya, pero iba ang paliwanag niya sa dahilan kung bakit naramdaman niya ito.

"Wala akong sama ng loob sa management mismo.

"Yun lang yung sad part, especially the London trip, we bonded with the others.

“And the Sessionistas, parte na kami ng buhay ng isa't isa.

“Nagkaasawa na kaming lahat, nagkaanak na yung iba, nandiyan kami for each other.

“I felt bad 'cause I would be missing the Sessionistas.

"More than anything, more than the decision, I will miss the people I sing with.

"Siguro yun... it became a habit na for six years straight, so parang… "

Naniniwala pa rin naman daw si Aiza na puwedeng i-lift ng ABS-CBN ang desisyong ito.

“Yun lang, siguro right now, everything is just sensitive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So maybe, kapag lumipas yun, hopefully, it's better... Let' see, let's see."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN