Martin Nievera clarifies controversial tweet about Sunday noontime shows

Bagamat sang-ayon si Martin Nievera sa mga pagbabago ng konsepto pagdating sa Sunday noontime variety shows, kailangan daw pakinggan pa rin kung ano ang sinasabi ng mga manonood.


Binigyang-linaw ni Martin Nievera ang kanyang August 23 tweet na “What has happened to the noon time shows on Sunday ????”

Umagaw ito ng atensiyon mula sa netizens at naging kontrobersiyal pa nga.

Hindi naiwasang isipin ng mga nakabasa nito na ang tinutukoy ni Martin ay ang binagong format ng ASAP, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na kinabibilangan niya.

Mula kasi sa mga tipikal na mala-concert production numbers nito, nagkaroon ito ng comedy skits at games.

Marami ang nag-isip na ang mga pagbabagong ito ay pantapat sa bagong Sunday comedy-variety show ng GMA Network, ang Sunday PinaSaya, na ang format ay comedy skits at challenges bukod sa musical numbers.

Read: Martin Nievera reacts to new format of ASAP: "What has happened to the noontime shows on Sunday?"

Sa panayam ni Martin sa Aquino and Abunda Tonight nitong Martes ng gabi, September 15, ay nilinaw niya ang kanyang tweet.

Saad niya, “I didn’t mean any particular show, but I just felt that the theme and the concepts, and the ideas behind these shows have become a little bit unlike what they used to be."

Dagdag pa niya, dapat ikinukunsidera ang sasabihin ng mga manonood.

“We have to reinvent, we have to go with the times we have to go… the people, the televiewers are the ones who make the rules not us,” ani Martin.

MARTIN ON LIP SYNC. Natanong din si Martin tungkol sa pagli-lip sync, na naging malaking usapin sa showbiz dahil sa pagtu-tweet ng singer na si Rhap Salazar sa mga artistang nagli-lip sync kapag nagpe-perform.

Sabi ng Concert King, “Lip sync is bad, but I’ts very much needed.

“I think during my time—33 years ago—you could lip sync.

“If you sang off sync, you will be bashed whatever bashing was then.

“But now, singing off sync seems to be the thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know why, but yung mga pa-dub-dub and all of that, it seems to be a craze.

"And I can’t say I’m against it because I have in my time in my 33 years.

“I have lip synced and sometimes it’s very much-needed because the television studios back then didn’t have the sound systems that we have now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN