JM de Guzman's cryptic Instagram post fuels breakup rumors with Jessy Mendiola

JM de Guzman to Jessy Mendiola: “Finding it hard to remember the last time you smiled.”


Makahulugan ang Instagram post ng Kapamilya actor na si JM de Guzman nitong hapon ng Miyerkules, September 16, kasunod ng mga espekulasyong hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

September 12, Sabado, nang mag-post ni Jessy sa kanyang Facebook account tungkol sa isang taong hindi niya pinangalanan na nang-iwan daw sa kanya sa ere.

Sa nasabing post, ipinahayag ng aktres ang tungkol sa pagnanais niyang makasama at makasayaw sa isang “red carpet” event ang isang tao, subalit mas pinili umano nitong paniwalaan ang sinasabi ng iba.

Read: Jessy Mendiola and JM de Guzman's relationship on the rocks?

Noong Sabado ginanap ang 9th Star Magic Ball, sa Shangri-La Makati, na dinaluhan ng mga artista mula sa Star Magic at ABS-CBN.

Parehong hindi um-attend sa nasabing event sina Jessy at JM.



JM THANKS JESSY. Sa kanyang Instagram account, nag-post si JM ng sketch ng isang babae.

Sa caption ng nasabing post, tinukoy ni JM na ang babaeng nasa drawing niya ay si Jessy.

Sabi ni JM sa caption: “I don’t draw. Finding it hard to remember the last time you smiled.

“Thank you. @senorita_jessy. For everything.”

I dont draw. Finding it hard to remember the last time you smiled.thank you. @senorita_jessy. For everything

A photo posted by Jm De guzman (@1migueldeguzman) onSep 15, 2015 at 10:03pm PDT

Sa comments section ng nasabing post ni JM, marami sa mga nag-react at napaisip kung ang post ng aktor ay nangangahulugang hiwalay na sila ni Jessy.

Nag-post din si JM ng maiksing video habang ginagawa niya ang sketch.

Ang simpleng caption ng nasabing post: “Thank you.”

Nitong April nang kumpirmahin ni JM na nagkabalikan sila ni Jessy nang una silang magkahiwalay.

Thank you

A video posted by Jm De guzman (@1migueldeguzman) onSep 15, 2015 at 11:10pm PDT


IN-FLIGHT INCIDENT. Samantala, nasangkot si Jessy sa pagkalasing ni Enrique Gil lulan ng eroplano patungong London para sa ASAP show roon.

Sinabi ng eyewitness sa PEP report na nakitang hinahaplos-haplos umano sa balikat at binubulungan ng nakainom nang si Enrique si Jessy.

Nauwi ito sa isang komosyon, kung saan nasangkot din ang ka-loveteam ni Enrique na si Liza Soberano at ang TV host-actor na si Luis Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN