Angel Locsin joins call to end Lumad killings in Mindanao; condemns presence of paramilitary in the Lumad community

Labis ang hinagpis ng aktres na si Angel Locsin sa kalunus-lunos na sinapit ng tatlong Lumad na pinatay nitong nakaraang September 1 sa Surigao del Sur. Nakilala at nakasalamuha ni Angel ang dalawa sa mga pinaslang na sina Emerito Samarca (3rd from right) at Dionel Campos (5th from left).


Sumali na rin ang ilang artista sa maraming grupo at indibidwal na humihingi ng hustisya sa brutal na pamamaslang sa mga pinuno ng tribong Lumad sa Lianga, Surigao del Sur, noong September 1.

Ang mga pinaslang ay sina Dionel Campos at Datu Juvello Sinzo, at ang school director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) na si Emerito Samarca.

Kagabi, September 15, sa pamamagitan ng Instagram, naghayag ng kanyang kalungkutan at pagkadismaya ang aktres na si Angel Locsin.

Nabisita at nakasalamuha na pala niya ang dalawa sa mga pinaslang noong 2009 dahil sa isang immersion.

Una niyang post ay ang mga larawan ng mga pinatay na mga Lumad.

Sabi ni Angel sa caption: “(Warning graphic images)

"This is really heart breaking :( my deepest sympathy to the families and children of ALCADEV Lumad community school:(•••ALCADEV executive director Emerito Samarca was hog-tied, stabbed, shot and throat slit open with a cut that range almost from ear to ear by his assailants.)

“His face was almost unrecognizable MAPASU chairperson and KALUMARAN officer Dionel Campos was shot on the head by AFP-backed Magahat-Bagani Paramilitary forces in front of his neighbor and family members.

“Datu Bello Sinzo was shot 8 times. His body was found with crushed jaw and both arms broken. #StopLumadKillings


JUSTICE FOR THE LUMADS. Kasunod nito, nag-post din si Angel ng larawan niya kasama ang mga Lumad na nakasalamuha niya sa dalawang araw na integration ng aktres sa naturang lugar.

Ibinahagi rin ni Angel ang kanyang naging karanasan bago makarating sa lugar.

Ibinahagi rin ng www.PinoyWeekly.org ang iba pang mga larawan ng aktres kasama ang mga Lumad.

Saad ng aktres, “Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumads, sinilip ko ang mga pictures namin noong nag-exposure kami sa lugar na yun noong 2009.

(Courtesy: Pinoyweekly.org)

“Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila.

"Ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay.

(Courtesy: Pinoyweekly.org)

“Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na zero-crime rate ang lugar nila.

"Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap.

"Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.

(Courtesy: Pinoyweekly.org)

“Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang mayor ng lugar.

“Nalaman namin na kahit silang mga taga-roon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar.

"Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang yutang-kabilin [ancestral domain].

"Bakit may paramilitary?

“Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military?

"Pwede sila [schoolchildren] madamay sa conflict at magkaron ng takot.

"Not to mention yung grabeng psychological effects sa mga kabataan.

“Nung huling gabi namin sa ALCADEV, nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao.

"Tulungan nyo po kami para mas maihatid po ang kwento nila sa mas nakakarami.

“Nakiki-isa po ako na respetuhin ang kanilang kultura at karapatan.

"At naniniwala ho ako na ang isang eskwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sanctuario.

"At ang presensya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang. #StopLumadKillings

Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumads, sinilip ko ang mga pictures namin noong nag-exposure kami sa lugar na yun noong 2009. Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel... Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay. Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na 0-crime rate ang lugar nila. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap. Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao. Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga taga-roon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar. Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang "yutang-kabilin" (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military kung saan pwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot -- not to mention yung grabeng psychological effects sa mga kabataan? Nung huling gabi namin sa ALCADEV, nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan nyo po kami para mas maihatid po ang kwento nila sa mas nakakarami. Nakiki-isa po ako na respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ho ako na ang isang eskwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sanctuario -- at ang presensya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang. #StopLumadKillings

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onSep 15, 2015 at 4:02am PDT


AIZA SEGUERRA. Bilang suporta sa #StopLumadKillings, nag-post din ang singer-actress na si Aiza Seguerra ng kahalintulad na panawagan sa kanyang Instagram account.

Sabi niya, “Habang halos lahat sa atin at nakatuon sa nangyayari sa Syria, sa sariling bakuran ay mayroong problema rin.

“Pilipino laban sa Pilipino. Paingayin natin ng mapagusapan, pag-usapan natin ng mabigyang pansin ng kinauukulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itigil na itong gulo. Masyado ng marami. Ang iba, walang kalaban-laban. Tama na, sobra na! #stoplumadkillings


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN