LOOK: Vina Morales with her French boyfriend

“He’s really a nice guy. He’s my age and he’s very responsible,” Vina Morales describes new French boyfriend.


“In a relationship” na ang singer-actress na si Vina Morales.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News sa nakaraang Star Magic Ball, kinumpirma ni Vina, “I have a boyfriend na after seven years. I’m very happy.

“He’s not Filipino. He’s French.

"He’s really a nice guy. He’s my age and he’s very responsible.”

Unang napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang boyfriend ni Vina sa Instagram photo ni Bernard Cloma na kuha sa London trip ng ASAP stars.

After a successful show at sse arena in wembley london... on r way to the victory party #asap20inlondon

A photo posted by bernardcloma (@bernardcloma) onSep 6, 2015 at 10:59am PDT

Nitong nakaraang dalawang araw, nag-post na rin si Vina ng larawan nila ng kanyang French boyfriend, na ipinakilala umano sa kanya ni Chavit Singson.

Sa panayam ng PEP kay Vina noong July, sinabi ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita actress na choosy na siya sa pagpili ng susunod niyang makakarelasyon.

Katuwiran niya, “Kailangang priority rin niya is me and my daughter.

“Siguro yun ang first option na magugustuhan ko sa isang... or first na character or situation na magugustuhan ko sa tao.”

May anak na babae si Vina sa dating karelasyon na si Cedric Lee.

Read: Vina Morales admits getting impatient about not having a lovelife; says she's choosy about next relationship


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN