Sarah Geronimo evades question about weekend in Cebu with boyfriend Matteo Guidicelli

Ayon sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo, ang pagkasali pa lang ng aspiring singers sa show nilang The Voice Kids ay maituturing nang blessings. Sabi pa niya tungkol sa hindi pagkapasok ng alinman kanyang team sa Final 4, “Actually, para sa akin, walang natalong bata, title lang.”


“No personal questions daw po.”

Ito ang tugon ni Sarah Geronimo nang subukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV Patrol ng ABS-CBN na magtanong ng mga bagong kaganapan sa relasyon nila ng actor-athlete na si Matteo Guidicelli.

Nitong weekend kasi, kumalat sa social media ang larawang magkasama sila sa Cebu para sa libing ng lolo ni Matteo.

(Photo courtesy: @rikkimagallen on Twitter)

Pero dahil sa restrictions ng mga namamahala ng iniendorso nitong insurance company, hindi na nagbigay ng anumang pahayag si Sarah tungkol dito.

“Huwag na lang po!” ang natatawa pang iwas ni Sarah.

Tawa at ngiti lang ang ibinalik ng Popstar Princess sa amin kaya hindi na kami nagpumilit pang makahirit ng tanong.

Ginanap ang presscon ng Manulife #StartYourStory campaign sa Victorino’s Restaurant, sa may Quezon City.

Kasamang inilunsad ni Sarah bilang endorser ng nasabing kumpanya si Richard Yap, na halos dalawang dekada na raw policy holder ng naturang insurance firm; samantalang si Sarah ay nagsimula naman noong taong 2010.



HOLDING ON TO YOUR DREAMS. Sa nasabing event, inilunsad din ang bagong TV commercial ng Popstar Princess kung saan tila binalikan nito ang kanyang kabataan na umaasang matupad ang pangarap na maging isang sikat na singer.

Pahayag ni Sarah, “Ako kasi, yung story ko lang po alone, how I started, yung humble beginnings ko, nagiging example ko sa mga bata, how I pursued my dreams.

“Yun yung lagi kong nire-relate sa mga artists ko sa The Voice at yun din po yung dahilan kung bakit marami yung nakaka-relate sa akin.

“Yung parang naa-appreciate nila ako, kasi nakita nila, nasubaybayan nila yung humble beginnings ko.

“So, yun po, at hindi naman natatapos yun, ‘no, kasi may part sa business na very challenging, yung sustaining power mo.

“Yung ano ba yung contributions na maibibigay mo sa industriya.

"Ayoko kasi na gagawa lang ako ng proyekto just for the sake of money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yun ang istorya na gusto kong simulan. Gagawa ako ng mga proyekto na makabuluhan.”



THE VOICE KIDS. Sa nakaraang season ng The Voice Kids, nabigo ang Team Sarah—Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan—na makapasok sa Top 4.

Paano niya hinikayat ang aspiring singers sa team niya para hindi mawalan ng pag-asa?

Sabi ng singer-actress, “Yun nga po, ibinalik ko yung mga experiences ko noon, na naka-experience din ako ng maraming-maraming pagkatalo.

“Maraming-maraming rejections, panlalait.

"Until now, bina-bash pa rin ako ng mga tao, yun.

“Sinasabi ko sa mga bata na, ‘Dapat hindi ka tumigil sa pangangarap. Beginning pa lang ito, nag-umpisa pa lang tayo.’

“I constantly remind them how blessed they are kasi naging bahagi sila nung show at marami ang naka-witness ng talents nila, sa galing nila sa pagkanta.

“So, I’m very sure na marami ang nakapansin at na-inspire sa ginawa nila sa show. So, walang natalo.

“Actually, para sa akin, walang natalong bata, title lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN