KathNiel fans bash director Bobot Mortiz and sons over snubbing issue

Ipinagtanggol ng magkapatid na sina Frasco at Badji Mortiz ang amang si Direk Bobot Mortiz mula sa ilang KathNiel fans, pagkatapos ng Facebook post ng direktor tungkol sa pang-iisnab umano sa kanya ni Kathryn Bernardo sa Star Magic Ball.


Ipinagtanggol ng kanyang mga anak ang batikang direktor at dating matinee idol na si Edgar “Bobot” Mortiz sa social media matapos itong batikusin ng ilang KathNiel fans.

Hindi kasi nagustuhan ng KatNiel fans ang Facebook post ni Direk Dobot tungkol sa isang sikat na aktres na hindi umano siya pinansin sa Star Magic Ball, na ginanap noong Sabado, September 13.

Sa nasabing Facebook post, sinabi ng direktor na unang beses niyang dumalo sa Ball. Lumapit at binati raw siya ng young stars na dating kabilang sa kiddie gag show na idinidirek niya, ang Goin’ Bulilit.

Maliban lamang daw sa isa.

“Pag sumikat ako, di rin kita lalapitan… hehehe,” sabi pa ni Direk Bobot sa dulo ng kanyang post.

Sa nasabing paksa, lumutang ang pangalan ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo, na umano’y tinutukoy ni Direk Bobot na hindi pumansin sa kanya sa Star Magic Ball.

Dating bahagi ng Goin’ Bulilit si Kathryn, tulad ng ilang teen stars ngayon kagaya nina Julia Montes at Miles Ocampo.

Sanhi nito, nag-react ang ilan sa fans ni Kathryn at nagbitiw ng hindi magagandang salita sa social media laban kay Direk Bobot.

Ito naman ang nag-udyok sa mga anak ni Direk Bobot na sina film at TV director Frasco Mortiz at komedyanteng si Badji Mortiz na ipagtanggol ang ama sa Twitter.

Sa kasalukuyan, hindi na makikita ang nasabing post ni Direk Bobot sa kanyang Facebook account.

DIREK FRASCO TO THE RESCUE. Ipinagtanggol ni Direk Frasco ang naging post ng kanyang ama sa Facebook at sinabing wala nama itong pinapangalanan.

Yung post ng Daddy ko ay personal niyang saloobin at obserbasyon. Wala siyang binitawang pangalan. Sino ba ang nagsimula ng issue? Bashers.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Nag-tweet naman si Direk Frasco na napilitan siyang magsalita dahil maraming kabataang fans ngayon ang “ignorante at walang galang.”

Hindi na sana ako magsasalita pero napansin kong marami sa mga kabataang fans ngayon ang ignorante, at walang galang...

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Aniya, walang gustong lumaki ang isyu at ang post ni Direk Bobot ay isang biro lamang na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Walang gustong lumaki ito o maging issue. Sa mga nakakakilala sa tatay ko, alam nila na yung post ay isang biro. Sa FB lang siya nilabas.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Sinabi ni Direk Frasco na wala silang sama ng loob kay Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, isa siya sa mga binati ng teen actress sa Star Magic Ball.

Masaya at proud kami sa lahat ng accomplishments ni @bernardokath. Nung Star Magic Ball, isa ako sa una nilang sinalubong para batiin.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Binatikos din ni Direk Frasco ang bashers na tumawag kay Direk Bobot na “tanda.”

Yung tinutukoy niyong "Tatay mong matanda" ay higit 50 years na sa industriya ng showbiz. Naging sikat o mas sikat pa siya sa mga idol niyo

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Bago pa mauso ang "Kathniel", "Lizquen", "Kimxi", o "Aldub", nauna ang Guy and Pip at Vi and Bot. Sila ang nagsimula niyan.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Binuo nila ang Goin' Bananas. Kung walang Bananas, walang Tropang Trumpo, walang Bubble Gang, walang Goin' Bulilit at Banana Split.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Bago naging direktor, si Bobot ang isa sa pinakasikat na matinee idols noong early '70s, kung saan nakatambal niya ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Ayon pa sa isang tweet ni Direk Frasco, “Walang kailangang bawiin ang Daddy ko dahil una, hindi siya ang dumawit sa pangalan ni Kath, kundi mga kapwa fans niyo na ayaw sa kanya [Direk Bobot].”


ALL IS WELL. Sa kabila ng pakikipagsagutan nina Frasco at Badge sa ilang KathNiel fans, sinabi ng magkapatid na wala silang isyu kay Kathryn o maging sa ka-loveteam nitong si Daniel Padilla, kundi sa ilang pasaway na fans ng kanilang loveteam.

Gusto ko lang idiin na ok po kami ni Kath and DJ, ok na po si Kath at si erpat, kaya huwag na siyang idamay kung may mga haters na pasaway.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Tiniyak din ng dalawa na nakapag-usap na ang kampo nina Direk Bobot at Kathryn, at humingi na ng sorry ang young actress sa batikang direktor.

Ano man ang misunderstanding nila ng Daddy ko, sila lang ang nakakaalam. Nakapag-usap na sila at maayos na ang lahat.

— Frasco Mortiz (@Frasco_Mortiz) September 16, 2015

Sinagot din ni Badji ang ilang fans ni Kathryn at sinabing tumawag na ang Pangako Sa 'Yo actress kay Direk Bobot at nag-sorry na ito.

Nagusap na sila tumawag na si kat at nagsorry https://t.co/xXnvGHzBKj

— Badji Mortiz (@Badjismo) September 16, 2015

Kasi tapos na po. Nagsorry na. Nagkausap na sila. Di na kailangan ng mga ganyan. Nakakabobo for u https://t.co/WLLMIf8cKw

— Badji Mortiz (@Badjismo) September 16, 2015

Ganun naman dapat.magsorry kung may naoffend. Kahit di mo sadya na naoffend mo ang tao. Importante nkpagusap sila https://t.co/81HZl9In6K

— Badji Mortiz (@Badjismo) September 16, 2015

Sinabi rin ni Badji na nauunawaan niya ang reaksiyon ng ilang fans kung nagalit man sila dahil sa nangyari, subalit hindi maganda ang epekto nito sa kanilang idolo sa kanilang inaasal.

Naiintindihan ko din. siyempre idol nila. Di lng nila alam na panget din ang effect for their idol ng gnagawa nila �" https://t.co/Ch1BTtsXW8

— Badji Mortiz (@Badjismo) September 16, 2015

Pinasalamatan naman ni Badji ang ilang fans ni Kathryn na masaya na nagkausap na ang dalawang kampo at naayos na ang gusot.

Yup. Thanks din. Keep loving kat. Kayo ang mga tunay na fans 👍👍👍 https://t.co/T8yC7lsdrI

— Badji Mortiz (@Badjismo) September 16, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN